Ang prutas ay importanteng bahagi ng diet. Ang totoo, ang pagkakaroon ng mataas na diet pagdating sa mga prutas ay iniuugnay sa lahat ng benepisyo sa kalusugan.
Kasama na ang impact sa health upang maiwasan na magkasakit ang isang tao. Ang concern lamang ay ang mga sugar content ng mga prutas na nag-aalala na baka nasosobrahan na sa pagkain na magkaroon naman ng masamang epekto sa kasulugan. Ang tanong ay kung ilang serving lang ba ang dapat ng prutas ang kakainin sa isang araw para maging healthy? Posible ba na kumain ng maraming fruits lalo na kung seasonal lang ang paboritong prutas.
Heto ang masustansyang prutas sa pilipinas at mga benepisyo nito.
1. Ubas - Ang ubas ay may tannins at flavanoids na puwedeng makapigil sa kanser. Kuimain ng ubas kung ika'y nagpapagaling sa sakit. At kapag kulang sa dugo at mahina ang katawan, kumain ng ubas para manumbalik ang iyong sigla.
2 .Pakwan - Panlaban ang mga ito sa sakit sa bato at pantog (Kidney at Bladder infection). Ang pakwan at melon ay punong-puno ng vitamin C at potassium. At kapag tag-init, ang katas nito ang kailangan ng ating katawan.
3. Peras (Pears) - Ang peras ay mayaman sa fiber at sorbitol na makatutulong sa pagdumi. Ang fiber ay nagbibigay ng hugis (o bulk) sa dumi. Ang sorbitol naman ay nagbibigay ng tamis sa peras at naghahatak ng tubig sa loob ng bituka para lumambot ang dumi.
4. Suha - May tulong ang suha para makaiwas sa kanser at para sa may diabetes. Ang balat ng suha ay may sangkap na bioflavonoid. Ito'y nakatutulong sa pag-iwas ng kanser, lalo na sa breast kanse. Kung ika'y may diabetes, puwede sa iyo ang suha at mansanas. Paalala lang na 3 o 4 na hiwa lang ang kainin.
5. Strawberry - Naniniwala ang mga eksperto na panlaban sa kanser ang strawberry. Mag-ingat lang kung allergic sa strawberry. Hugasan maigi ito bago kainin.
6.Saging - Mainam ang saging sa mga nag-ehersisyo at sa may sakit sa puso dahil may taglay itong potassium. Para sa hindi makatulog at stressed sa buhay, nakapagpaparelax din ang saging dahil sa sangkap nitong tryptophan.
7. Abokado - Ang abokada any may taglay na good fats at healthy oils. Dahil dito, nakatutulong ito sa pag-iwas sa sakit sa puso at istrok. May sangkap din itong vitamin B6 at vitamin E na nagpapakinis ng ating balat.
8. Papaya - Mataas sa vitamin A at vitamin C ang papaya kaya nakatutulong ito sa ating kutis. Ang papaya ay may papain, isang kemikal na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at pag-regular ng ating pagdumi.
9. Pineapple (Pinya) - Ang pineapple ay may blomelain na nagpapalakas ng ating resistensya. May sangkap din itong manganese at vitamin B na nagbibigay lakas sa ating katawan.
10. Buko - Ang buko juice ay nakatutulong sa may kidney stones (bato sa bato).
11. Mansanas - May vitamin C at anti-oxidants ang mansanas. Mahalaga na kainin din ang balat ng mansanas dahil may taglay itong pectin na nagtatanggal ng dumi sa ating katawan. Panlaban ang mansanas sa mataas na cholesterol, arthritis at sakit ng tiyan.
12. Orange - Masagana ang orange sa vitamin C na panlaban sa sipon, ubo, hika at arthritis.
Tags
Health