Bukod sa paggamit ng pregnancy test, paano malalaman kung buntis ka? Minsan, paiba-iba ang mga nagiging sintomas para sa mga ina. Minsan naman, halos wala kang mapapansing pagbabago sa iyong sarili.
Pero kapag nalaman mo na ang mga iba't-ibang sintomas o senyales ng pagbubuntis, paniguradong kahit sa sarili mo, malalaman mo na kung ikaw ay nagdadalang tao.
Paano mo malalaman na Buntis ka?
Iba-iba ang nagiging sintomas ng pagbubuntis sa bawat babae. Minsan, may mga sintomas na nararanasan ang isang babae na hindi nararanasan ng iba.
Mahalagang alamin ang mga sensyales kung paano malalaman kung buntis ka. Bakit kamo? Dahil kapag alam mong ikaw ay buntis, mas maaalagaan mo ang iyong sarili. Mas mapapadali rin ang paghahanda mo sa pagdadalang tao.
Anu-ano nga ba ang Sintomas o Senyales ng Pagbubuntis?
1. Spotting o Cramping.
Isang karaniwang sintomas ng pagdadalang tao ay ang spotting o cramping kahit na matagal pa ang inyong regla. Ito ay tinatawag ring implantation bleeding.
Ito ay nangyayari kapag ang fetus ay kumabit na sa uterus. Madalas, hindi ito namamalayan ng mga babae dahil kaparehas nito ang mga menstrual cramps. Akala rin nila na ang spotting ay dahil sa nagsisimula na nilang period.
Bukod sa pagdurugo, makakakita ka rin ng maputing likido na manggagaling sa iyong vagina. Ibig sabihin nito, naghahanda na ang iyong katawan sa pagbubuntis.
2. Pagbabago sa iyong Suso o Dede.
Matapos ma-fertilize ang egg cell, madalas nakakaramdam ng tenderness at pananakit sa suso ang mga magiging ina. Dahil ito sa mga hormones na inihahanda ang katawan sa pagiging ina.
Madalas makakaramdam ka ng sakit sa iyong dibdib sa unang mga linggo ng pagbubuntis. Pero pagtagal ay masasanay na ang iyong katawan, at mawawala na ang sakit.
3.Matinding Pagod
Isa rin ang fatigue o matinding pagod sa mga paraan kung paano malalaman kung buntis ka. Dahil dito sa maraming bagay, kasama na ang hormone na progesterone, pagbaba ng blood sugar sa katawan, pagbaba ng blood pressure, at pagdami ng dugo sa iyong katawan.
4. Hindi dumating na regla.
Ito ang isa sa pinakamadaling malaman na sintomas ng pagbubuntis. Kapag hindi dumating ang iyong regla, malaki ang posibilidad na ikaw ay buntis.
Kapag hindi dumating ang iyong regla, mabuting kumuha narin ng pregnancy test. Ito ay upang makasigurado ka na ikaw nga ay nagdadalang-tao, at hindi lang basta nadelay ang iyong buwanang dalaw.
5. Pagsusuka sa umaga.
Ito rin ay tinatawag na morning sickness. Madalas itong makikitang sintomas ng mga nagbubuntis sa TV o kaya sa mga sine, pero sa totoo, hindi naman lahat ng babae ay nagkakaron nito.
Hindi parin alam kung bakit ito nangyayari, pero tingin ng mga eksperto na dahil ito ay pregnanacy hormones. Minsan naman, nagiging mas sensitibo ang ilong ng mga ina sa matatapang na amoy. Kaya't nagkakaroon sila ng pagkahilo at pagsusuka.
6.Iba pang sintomas.
Bukod dito, mayroon pang ibang mga sintomas na kadalasang nararanasan ng mga nagdadalang-tao.:
Madalas na pag-ihi
Constipation
Mood swings
Pananakit ng ulo
Pagkahilo at pagkahimatay
Alin man sa mga sintomas na ito ay puwedeng maranasan ng isang nagbubuntis.
Kaya't mabuting alamin ang mga ito para malaman mo kung ikaw ba ay nagdadalang-tao.
Credits: The Asian Parent | Website
Credits: The Asian Parent | Website
Tags
Lifestyle