Paghuhugas ng Plato, Mainam na Pangtanggal ng Stress, Ayon sa Eksperto!

Eto para sa mga madalas stress diyan, nahihirapan naba kayo kung anong dapat o kailangan niyong gawin para mawala ang stress na nararamdaman niyo na minsan eh, nauwi pa sa depression.


Alam niyo ba ayon sa pag-aaral isa raw ang mabisang pangtaggal ng stress ay ang 'paghuhugas ng plato'.

Isang gawaing bahay na lubhang inaayawang gawin ng nakakarami saatin ay ang paghuhugas ng plato sa kusina, ngunit alam niyo bang lumalabas sa pag-aaral na ginawa sa Florida State University na kapag ginagawa ang paghuhugas ng plato na may kasamang pag focus ay makakatulong para mabawasan ng 27% (percent) ang ating nervous rate, isang sanhi ng emotional tension, habang tumataas naman ng 25% (percent) ang mental health ayon ito sa Hardvard Medical School.



Ang pag focus ay ang unang hakbang upang  e-copdate ang ating mindfulness na isang therapy para mas maging mentally healthy.

Ang stress ay kadalasang sanhi ng labis na pag-aalala, kaya naman dagdag ni Adam Hanley isang 'doctoral candidate' sa education's counseling and school psychology program sa Florida.



Kung matututunan nating mag concentrate sa kasalukuyang gawain ay maii-apply din natin ito sa ibang pangyayari sa ating buhay at magagawa nating ibaling ang ating atensyon palayo sa mga negatibong bagay na nakakapag-resulta ng stress.


Kaya huwag kanang mainis uutusan ka sainyong bahay na maghugas ng mga plato, dahil may magandang epekto naman ito saiyong kalusugan.

Source: DZRH News Television | YT Channel

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form