Ang mga Benepisyo ng Chamomile Tea


Matagal nang ginagamit ang Chamomile tea, bilang isang tradisyonal na remedyo ng katutubong, para sa isang malawak na hanay ng mga isyu sa kalusugan.






Ngayong mga araw na ito, ang mga mananaliksik ay lalong naggalugad ng pagiging epektibo nito sa pamamahala ng mga sakit, kabilang ang cancer at diabetes.


Ang chamomile ay para sa Pag-tulog, tiyan at nerbyos. 
Maraming tao ang nasisiyahan sa chamomile tea. Ito ang mga posibleng benepisyo sa pag-inom ng chamomile tea : 


1. Maaring mapabuti ang kalidad ng pagtulog.


Ang chamomile tea ay naglalaman ng apigenin, isang uri ng antioxidant na nagsusulong na makatulog ka. Sa isang pag-aaral, ang taong kumo-konsumo ng 270mg ng mga katas ng chamomile tea 2 beses bawat araw sa loob ng 1 buwan ay nagkakaroon ng 33% na mas magandang tulog at mas mabilis  makatulog ng 15 minuto kesa sa hindi umiinom  nito. 


2. Maaring mapaayo ang panunaw mo. 


Limitado lamang ang ebidensya pero ayo sa ilang pag-aaral, ginagamit ito upang gamutin ang ilang mga karamdaman sa panunaw, kabilang ang pagduduwal at hangin. 


3. Maaring maprotektahan laban sa kanser.


Ang isang uri ng antioxidant na matatagpuan sa chomomile tea ay naiuugnay sa mababang insidente ng ilang uri ng kanser, katulad ng kanser sa thyroid. 


4. Maaring may benepisyo sa pag-kontol ng blood sugar.


Hindi pa ito tiyak. pero ayon sa isang pag-aaral ng 64 taong may diabetes, ang mga taong umiinom ng chamomile tea araw-araw sa loob ng 2 buwan ay mas bumaba ang antas ng blood sugar. 


5. Maaring makatulong sa puso. 


Ang chamomile tea ay sagana sa mga flavones, isang klase ng antioxidant na posibleng magpababa ng blood pressure at antas ng kolsterol. 


6. Maaring makartulong sa depresyon .


May mga pagsasaliksik na ang chamomile tea ay posibleng mabawasan ang sobrang pangamba at depresyon.
Ang pag-inom ng chamomile tea ay ligtas para sa maraming tao. Bihira lang kaso na nagkakaroon ng allergy. 


Maraming tao ang nasisiyahan sa pag-iinom nito para sa masarap na lasa at nakaka-relax na amoy.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form