Limang Senyales na may Kabit ang Asawa mo





Minsan talaga sa pag-ibig hindi ma iwasan ang maging masaya ka o masaktan ka, dahil sa mundo ng pag-aasawa ay hindi madali maraming pagdadaanan na pagsubok.
Kahit sa anong pagsubok ang pagtataksil ang pinamahirap dahil dito mawawasak ang binuo niyong pagmamahalan na nagdudulot ng pagka wasak ng munti ninyong pamilya.


Kaya mga kabayan basahin natin ng mabuti ang mga tips na ito para maiwasan at malaman agad natin ang pagtataksil ng ating mga asawa kung may LALAKI ba siya o BABAE.

1. Bigla siyang nagbago ng dimo alam ang dahilan. 

 Yung tipong dati hindi siya gaano nagtatambay o pumupunta sa kaibigan niya pero bigla nalang nagpapa-alam na mag gi-gym sila ng kaibigan niya yung panay alis niya sa bahay niyo sa kadahilan may gagawin sila o maglalaro sila ng mga kaibigan niya.
At hindi ka sanay dahil dati kayo lang dalawa lagi magkasama namamsyal, kumakain sa labas yung tipong dati kayo lang nagkakayayaan na mag jogging tapos biglang hindi naka inaaya.

Yung tipong pag-uwi niya galing trabaho hindi siya pagod na mag-alaga ng anak niyo yung nilalaro niya pa o kaya ginagabayan sa mga gawaing bahay o mga assignments nila yung tipong bigla nalang nagbago ang lahat at bigla nalang siyang nawalan ng gana.
Kaya isa lang ibig sabihin non may lalaki o babae ng asawa mo.

2. Hindi kana niya nilalambing.

Yung tipong dati kahit ang baho-baho ng pawis mo nilalambing ka parin niya, yung tipong dati pag-uwi niya hahalikan ka o yung bago siya aalis para pumasok sa trabaho niya makkalimutan na halikan at sabihan ka ng "i love you" at yung mag-aaway kayo sa maliit na dahilan yung hindi siya makapagtiis na darating yung umaga na hindi kayo magkaka-ayos. 
Na nakakalimutan na niyang bumanat ng mga nakaka-kilig na salita para sayo at yung hindi kana niya kinakalabit bago kayo matulog.

3.  Hindi kana niya kinakausap 

Yung tipong dati hindi kayo ma uubusan magpalitan ng salita yung hindi niyo nalaman na na umagahan na kayo kakausap sa isat-isa , at yung nakakalimutan kana niya e text pag nasa trabaho na siya yung dati hindi siya mapakali na hindi makatawag sayo para mag-usap lang kayo kahit saglit at yung kahit pauwi na kayo lagi ka niya kinukulit kung nasaan kana yung excited siya na makauwi ka para magsama kayong kumain pamilya sa mesa.


4. Nawawala siya sa bahay ng 4 to 5 hours.

Yung tipong kakauwi lang niya tapos biglang aalis bigla tapos mahigit limang oras bago umuwi tapos sasabihin lang galing sa kaibigan o kaya nag overtime lang daw siya sa trabaho niya, yung tipong ang dami ng palusot pag ginagawa niyang late na umuwi sa bahay.
Hindi mo pala namamalayan may ibang lalaki o babae ba pala siyang kinakalantari, yung tipong doon na siya halos kumain yung inaantok o nakatulog kana lang ka hihintay sa kanya na umuwi. 

5.  May password na cellphone niya.

Yung dati open lang kayo sa isat-isa puwedeng-puwede mo tignan mga messages o picture ng cellphone niya yung hindi pa niya alam dati ang maglagay ng password sa cellphone niya tapos biglang meron na.
Yung tipong magkasama kayo saglit tapos biglang may tumawag o magtext sa kanya, yung takot siyang basahin baka kasi sumilip ka o magtanong ka kung sino yun, lalo na yung tumalikod lang siya saglit tapos biglang tumunog telepono niya tapos galit na galit na siya agad kahit sinilip mo lang. 

Tapos mas magagalit pa siya kung nagtatanong kana sa kanya kung bakit may password na o kaya kung sino yung tumatawag o nag text sa kanya yung tipong iiwanan ka nalang niya sa ere kahit nagtatanong ka lang sa kanya sasabihan ka agad na nagdududa kana na may iba siya kahit alam na alam niya sa sarili niya kung anong ginagawa niya sa relasyon niyo pero nagpapalusot parin.

Yung tipong nagdududa kana na may iba na siya, dahil sa mga kilos na pinapakita o pinaparamdam niya sayo hindi niya alam nasasaktan kana unti-unti sa mga kilos niya. At nag dadahilaln ng pag-aaway niyo araw-araw hanggang sa ma apektuhan  na pagsasama niyo magpamilya hanggat dumating na sa punto na hindi nalang ikaw yung nasasaktan kundi pati mga anak niyo nasasaktan narin dahil sa mawawasak na ang pamilya niyo. 

Bakit ba kasi may mga ganitong tao sa mundo, hindi nalang sana nag asawa kung hindi pa handa gampanan ang napakamalaking responsibilidad na pinasok sa buhay, sana hindi nalang nag sumpaan sa isat-isa kung may isa manlang magwawasak sa binuo niyong masayang pagsasama. 

Sana naman kahit papaano makontento tayo sa mga partner natin, kasi hindi mo naman yan makakasama kung hindi ikaw mismo pumili o magka gusto sa kanya. 
At sana may mga ibang lalaki at babae din na marunong dumistansiya sa taong alam na may pamilya na, hindi yung hahayaan niyo nalang ang sarili niyo na may mawawasak kayong pamilya at may masasaktan nang mga bata.

Tandaan hindi mo ikasasaya ang paghahanap ng kabit at sa mga kabit hindi niyo rin ekaliligaya ang pagiging kabit dahil sa mata ng mga tao at diyos mali ang ginagwa mo na kumabit sa may pamilya na. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form