Sa panahon na tayo ay buntis na at may gagampanan na sa buhay.
Kailangan talaga natin alimin ang mga senyales na ito lalo na't pakiramdam mo ikaw ay nakunan.
Ang miscarriage, ay tinatawag ding spontaneous abortion, ang pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan sa loob ng unang 20 linggo na pagbubuntis. Ang karaniwang problemang kinakaharap ng mag-asawa ay ang pagbubuntis o ang critikal na pagdadalang tao (o maseylan na pagbubuntis) sa kadahialanan ng pagkalaglag ( pregnancy loss).
Kaya mabuti ng malaman ng mag-asawa o kababaihan ang impormasyon na ito para maiwasan at maagapan ito, o kaya'y dapat malaman ang anong dapat gawin.
Ilang buwan puwede malaglag ang baby?
Sa napaka-agang miscarriage, ang baby ay nalalaglag sa 12 linggo. Kung ikaw ay buntis ang unang prayoridada mo ay ang kaligtasan at kalusugan ng sanggol na iyong daladala. Kaya't natural na alamin ang mga maagang senyales o sintomas ng pagkalaglag.
Ang mga late na miscarriage naman ay nangyayari mula hanggang 24 na linggo ng iyong pagbubuntis, o second-trimester miscarriage.
Ang mga senyales at sintomas ng pagkalaglag ay kadalasang nakakalito, lalo na sa mga mismong nagbubuntis. Marami sa mga nagbubuntis ang karaniwang nalalaglag sa unang 2 linggo pa lamang ang tiyan, bago pa lamang malalaman ng nanay na siya ay buntis lalo na sa mga kababaihan na unang anak palang o (first baby).
Ito ang mga senyales at sintomas ng nakunan o (pagkalaglag)
1. Vaginal bleeding o (pagdurugo)
Ito ang pinaka unang senyales na dapat hindi e pagka walang bahala lalo na't ikaw ay hindi malakas. Ang pagdurugong tinutukoy ay mula brownish spotting hanggang heavy vaginal bleeding, lalo na sa first semester. May mga pagdurugo din naman na hindi nag reresulta sa pagkalaglag, May mga nalalaglag din naman na hindi dinudugo. Pero kapag ang iyong pagdurugo ay may kasama na fetal tissue., na buo-buo at may maputing mas balot ng dugo, ito ang dapat ipag-alala. Dahil ang paglabas ng fetal tissue ay karaniwang may kasamang severe cramping o labis na pananakit at pamamanhid ng iyong tiyan.
2. Pelvic pain
Kapag mas sumakit ng labis ang pelvis, at may pamamanhid maaring tuloy-tuloy o di kaya'y may nararamdaman sa regular intervals (tuwing 30 minutes sa isang araw)
3. Painful contraction (o labis na pananakit at paninikip ng tiyan)
Decreased fetal movement
Bihira lamang ang sintomas na ito, dahil ang ibang pagkalaglag ay nangyayari sa napakaagang bahagi pa lamang ng iyong pagbubuntis.
Minsan ay aksidente lamang na nakikita o nalalaman dahil mayroong kawalan ng fetal cardiac activity na napagmamasdan sa ultrasound examination.
Ang ilan pang hindi gaano napapansin, mga mahalagang sintomas na pagkawala ng pregnancy symptoms tulan ng mga breast tenderness, morning sickness, pagsususka o pagkahilo, tulad ng nararamdaman sa uanang bahagi ng iyong pagbubuntis.
Walang paraan para mapigilan ang pagkalaglag, ngunit may mga maaring gawin para hindi lumala o mapigilan ang hemorrhaging at infection.
Ano ang dapat gawin kapag may naramdaman o napansing sintomas ng nakunan?
Kung ikaw ay patuloy na nagdurugo at matinding abdominal at back pain lalo na sa unang trimester ng pagbubuntis agad pumunta sa pinaka malapit na OB GYNE.
Maraming dahilan ng pagkalaglag, Pro una sa lahat ang embaryo na hindi lumaki at kumalat sa sinapupunan tulad ng inaasahan.
Tags
Lifestyle