Ito ang tatlong modelo sangkap o tinatawag na (triangle of fire) na nagdudulot ng sunog, kabilang dito ang fuel, oxygen at init.
Halimbawa na dito ang tangke na liquefied petroleum gas o LPG.
Ang liquefied petroleum gas o LPG ang pinaka unang kinakatakutan ng mga tao, pero sa dapat hindi agad mag panic dahil ang LPG tank ay matagal ang proseso sa pagsabog nito puwera nalang kung naka bukas ang iyong pressure o sound na nanggagaling sa tangke.
Para mapatay ang apoy sa main valve ng LPG, isara ang regulator pero kung sira o mainit na ang regulator gumamit agad ng basang basahan.
At kung nasa hose ng LPG ang apoy, gamiting ang hinlalaki para takpan ang butas at patayin ang gas source. Dapat din para may bentilasyon mahalagang buksan ang pinto o bintana kapag sumisingaw na ang LPG.
APPLIANCES
Kung ibang appliances o kagamitan ang nasusunog, huwag agad itong e saksak o bunutin. At lalong huwag rin gumamit ng tubig para mapatay ang electical-related fire. Na dapat unang-una mong patayin ay ang circuit breaker at tanggalin sa saksakan ang mga kagamitan.
Dahil karamihan na nagsisimula ang sunog sa kusina habang nagluluto, huwag agad buhusan ng tubig ang umaapoy na mantika. Sa halip gumamit lang ng basang basahan na walang butas at takpan ang kawali at patayin ang gas source.
Kapag umabot na tayo sa punto na nasusunog na ang parte ng tao, dumapa sa sahig takpan ang mukha at gumulong-gulong hanggang mawala ang apoy sa ating katawan at pwede rin dumapa, lagyan ng kumot at tapik-tapikin ang bahagi ng katawan na nasusunog hanggang mawala ito.
Tinuro rin ng BFP kung paano gumawa ng improvised fire extinguisher para sa mga maliliit na sunog. Pwede rin gumamit ng plastic bottle at lagyan ito ng pinaghalong 50% ng suka, 30% ng tubig at 20% ng liquid detergent. Butasin ang takip nito at isuksok ang tissue na may lamang baking soda. At tiyakan natin na hindi tatama ang tissue sa mga Acid solution.
Alugin lamang ito kapag gagamitin.
ITO ANG MGA PANGUNAHING SANHI NG SUNOG
1. Nananatili ang kuryente sa sanhi ng sunog
2. Mga appliances natin na nakalimutan na-unplug or overloading o kaya paggamit ng saksakan na ang daming nakasaksak.
3. Minsan sa pag-alis natin sa bahay o nakatulog tayo hindi natin namamalayan nag overheat na ang isa sa ating appliances dahil hindi natin na un-plug
Kaya lagi natin pakatatandaan na saan sulok man ng ating mga appliances na may nakasaksak sigurauhin na nakapatay ito bago tayo umalis ng ating bahay para maka-iwas tayo sa aksidente ng sunog na nagdudulot satin ng pagka himlay sabi ka nga nila "Okay lang ang mapagnakawan kasi kaya pa natin makita o mabili ang ninakaw satin pero ang masunogan ng bahay ang napaka bigat na mangyayari sa atin buhay dahil ilang taon natin tong pinagpaguran na makatayo ng sariling tahanan".
Tags
News