4 Early Warning Signs of High Blood Sugar

 


Ano nga ba ang mga senyales kapag tumataas ang iyong blood sugar? Siyempre kapag tumataas na ang iyong blood sugar alam naman nating lahat na papunta na ito sa Diabetes. Kaya gusto natin malaman ng maaga para maiwasan ang mga komplekasyon.

Alam naman din natin na kadalasan hindi talaga na di-diagnose ang diabetic. Kaya narito kung nakakaranas ka sa limang palatandaan at babala ng pagtaas ng iyong blood sugar dito saaming tatalakayin eh kailangan mo na agad magpa kunsolta sa doktor.


1. Laging Nauuhaw

Madalas nauuhaw, kahit umiinom naman ng tubig. Pagkatapos ihi ng ihi at kapag chineck ang blood sugar ay mataas. Minsan din ay nagkaka dry mouth, laging tuyo ang bibig.


2. Laging Nagugutom

Kain ng kain pero hindi tumataba, ibig sabihin kasi sa diabetes yung kinakain natin nagiging glucose pero ang mga sugar na ito hindi na aabsorb ng ating katawan. Kasi kailangan din ng H2O din para ma absorb.

 Kaya hindi naabsorb yung mga kinakain natin iniihi lang lumalabas ang sugar natin sa ihi. Kadalasan din nilalanggam pagkatapos umihi.

3. Namamanhid ang Kamay at Paa

Ang delikado sa pagkakaroon ng pagmamanhid ang Kamay o Paa ay mabilis siyang masugat ng hindi niya alam at yung sugat sa diabetes mahirap o matagal gumaling. Kahit maliit pa yan basta mataas ang iyong sugar mamamaga yan at lalaki ng unti-unti.


4. Lumalabo ang Paningin

Ang diabetic retinopathy ay isang kumplikasyon ng diabetes na nakakaapekto sa ating mga mata. Kadalasan ito nangyayari ay ang pagkasira ng mga ugat sa mata na sensitibo sa liwanag at responsable sa ating paningin.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form