6 Na Tamang Pagkain Kapag Mayroong Fatty Liver Disease



Maraming may Fatty Liver na resulta base sa ultrasound. Ang Fatty Liver ay taba na naimbak sa sesula ng atay at kadalasan ay nakikita sa mga 40's at 50's. 

Kadalasan ay walang sintomas ito pero sa ibang pasyente ay lumalaki ang atay, makirot sa kanang bahagi ng tiyan at madaling mapagod. 

Ayon sa mga eksperto, maaring may kaugnayan ang Fatty Liver sa pagiging mataba, mataas na asukal sa dugo o diabetes, mataas ang triglyceride at kolesterol. 

Ang iba pang risk factor ay PCOS o Polycystic Ovary Syndrome, Hypothyroid at iba pang sakit. 


Tamang pagkain sa Fatty Liver: 

1. Kumain ng mga 2 tasang gulay at 2 tasang prutas kada araw. 

2. Puwede kumain ng mais, patatas, kamote, ube at kamoteng kahoy.Magbawas sa kaning puti. 

3. Mabuti sa protina galing sa isda, mongo beans, karne, manok na walang taba, low fat milk, yogurt at soya milk.
 
4. Piliin ang healthy fats tulad ng mani, kasoy, garbanzos at olive oil. Umiwas sa butter o krema, mayonnaise at sebo. 

5. Panatilihin ang tamang timbang at regular na mag-ehersisyo. 

6.Tubig ang pinakamagandang inumin para sa iyo. Umiwas sa matatamis na inumin.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form