Heto ang mga tips:
1. Magbawas sa stress. Mas lumalabas ang pimples kung pagod ka.
2. Maghilamos ng mukha gamit ang sabon at tubig. Huwag hayaang maging oily ang mukha.
3. Para sa nag-umpisang pimples, gumamit ng cotton buds na may 70% rubbing alcohol. Linisin ng alcohol ang pimples para mapuksa ang bacteria nito. Ingatan na huwag madampian ang iyong mata.
4. Mag shampoo ng buhok sa gabi. Kapag natulog ka nang madumi ang buhok, puwede mapunta ang dumi sa mukha at magdudulot ng pimples.
5. Huwag kumain ng junkfoods at oily foods.
6. Uminom ng maraming tubig at kumain ng prutas at gulay.
7. Kung may make-up puwede linisin ng bulak at cleanser (tulad ng Eskinol at alcohol based) para matanggal ang dumi at make-up.
8. Huwag putukin ang pimples dahil puwede mag-impeksyon at mag-peklat ang mukha.
Kapag hindi parin gumagaling, kumonsulta sa dermatologist para sa babagay na cream o face wash.
Tags
Lifestyle