Sadyang may mga tao talaga na mapagmahal sa mga hayop na talagang itinuturing din nilang pamilya. Kagaya ng mga alagang aso, pusa at iba pa. Kaya naman kung ang mga alaga nating hayop ay malagay sa peligro o kapamahakan ay tiyak na handa tayo na iligtas sila.
Gaya na lamang ng isang Grade 10 student na walang pag-aalinlangan na lumusong sa ilog para makuha ang aso na unti-unting inaanod sa Binan, Laguna.
Sa gitna ng masamang panahon hindi nag alingan-langan ang studyante si Angelo Flores na iligtas ang asong inanod sa ilog. Sa video, makikitang maingat siyang bumaybay sa gilid ng ilog at nang maabot na nga ang aso ay pilit niya itong ini-angat sa ligtas na lugar.
Samantala, bayani ang turing nga Animal King of Foundation sa studyanteng si Angelo na tularan raw siya sana ng maraming mamamayan sa pagtulong sa mga hayop.
Maraming netizens naman ang natuwa sa naturing pagsagip ng isang Grade 10 student, sabi ng iilan na tiyak magiging proud ang magulang niya dito at pati narin sa mga kabataan. Siguro din kung makakapagsalita man ang asong iyon ay talagang masasabi na isa siyang tunay na bayani sa pagsagip ng mga hayop at sa kanyang angkin na kabaitan at katapangan sa paglusob.
Proud na proud talaga ang mga netizens dahil 'di naman lahat ng tao ay gagawin yan maraming dahilan, isa na dun ay delikado nga ang kanyang ginagawa saka buwis buhay. Pero ganunpaman, ay nagawa naman ni Angelo na sagipin ang aso para mailayo sa kapahamakan.
Samantala, ang videong inupload nitong biyernes lamang, August 06, sa GMA News (Facebook Page) ay umani ng 135k reactions, 5k comments, at 9.2k shares at counting pa nga ito.
Mabuhay ka Angelo Flores! isa ka sa mga nagpapatunay na "Ang kabataan ay pag-asa ng bayan."