Kris Aquino Magbabalik Telebisyon na sa GMA-7, Kasama si Willie Revillame


Muling magbabalik at matutuhangyan ulit sa telebisyon ang sikat na artista, host, producer, product endorser at businesswoman na si Kris Aquino sa Kapuso network ng GMA-7.



Inanunsyo ni Kris Aquino ang kanyang pagbabalik telebisyon sa pamamagitan ng kanyang social media account na Instagram nito lamang Huwebes, August 05.


Mapapanood si Kris bilang Co-Host ni Willie Revillame sa isang TV Special sa GMA Network, ayon sa tinaguriang 'Queen of all Media', malaki ang naging tulong ng kanyang real friend na si Willie para muling makita sa telebisyon.


Samantala, inanunsyo din kasi ni Willie sa kanyang programa na 'Wowowin' ang pagbabalik telebisyon ni Kris sa Kapuso network at may mga source pang nagsasabi na mayroong nilulutong Comedy Entertainment Show si Kris Aquino sa GMA Network.


Ngayon raw ay abala si Kris sa pagsabak niya sa palabas ni Willie sa 'Wowowin' bilang isang Co-Host dahil 8.8 Mega Flash Sale na naman ang Shopee at asahan raw na mga Netizens at mga tagasubaybay ng programa na maraming personalidad ang mamamataan sa Kapuso network.

Aniya ni Kris sa kanyang post sa Instagram account,


"Paano ba magsisimula? THANK YOU to my friend, a real friend Willie Revillame because from even before the 1st lockdown, bago pa naging bahagi ng mga buhay namin ang SHOPEE he tried his best to convince @gmanetwork to give me a chance to cohost with him."



Nagpapasalamat din si Kris kina Annette Gozon-Valdes at kay Joey Abacan sa pagbigay ng oportunidad na makasama sa Kapuso network at nagpapasalamat din ang Aktres sa Shopee Philippines.

Ngunit, nakakaramdam daw si Kris ng pressure dahil panigurado ay maninibago siya sa muling pagbabalik nito sa telebisyon. Ngunit nandyan naman raw ang kanyang mga anak at nagmamahal sa kanya upang palakasin ang kanyang loob.


Hinihiling din ni Kris na sana ay suportahan siya sa kanyang pagbabalik sa Kapuso network bilang isang Co-Host ni Willie Revillame.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form