Kristine Hermosa Nanganak na sa Pang-Limang Anak nila ni Oyo Sotto


Masaya na ibinahagi ni Oyo Sotto nitong August 03,2021 ng 11:47 P.M. ay isinilang na ang panglima nilang anak ng misis niyang si Kristine Hermosa. 



Pagbabahagi ni Oyo sa kanyang instagram account 

"Aug.03,2021 11:47 P.M, Lord Jesus maraming salamat! You are faithful! Thank you for another answered prayer.Perfect timing ka talaga lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga. To my family and friends thank you for all your prayers, I love you! Welcome to the world Vittorio Isaac, i love you <3."


Isi-nunod na nga kay baby boy ang tunay niyang pangalan, Sa mga hindi nakaka-alam sa tunay at buong pangalan ni Oyo ay Vittorio Mari Sotto. Gabi ng august 03 ay nag bahagi na oyo ng mga update sa kasalukuyang status nila habang hinihintay ang delivery time ni Kristine Hermosa, mula sa pagpunta nila sa hospital kung saan siya naghihintay lagi sa labas ng kanyang mag-ina.




Nang isilang si baby boy Vittorio Isaac ay agad ng nag post si Oyo ng larawan nilang dalawa mag-ama at nagbiro pa ng wala umanong tulugan. Ilang saglit pa ay binihagi na ni Oyo ang picture nila ni baby boy na kasama na ang ina na si Kristine Hermosa na sobrang laki ng ngiti at kitang sobrang thankful siya sa maayos at ligtas niyang panganganak. 

Marami ang nakapuna na kahit bagong panganak ay super fresh at sobrang ganda parin ni Kristine. Si baby Vittorio Isaac ay pang limang anak nila Oyo at Kristine. 



Matatandaan na pinag bubuntis pa lang ni Kristine si baby Vittorio ay hiniling nila na sana ay isa sanang baby girl pero aniya kahit ano man ang ibigay sa kanila ni lord ay buong pasasalamat parin sila sa another blessing na pinag katiwala sa kanila ng panginoon at sa pamilya. 


Well, congratulations to all Sotto Family! <3 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form