Mga sakit na makukuha sa pag-inom ng softdrinks:
1. DIABETES
Dahil sa sobrang dami ng asukal sa softdrinks, maaari tayong magkaroon ng diabetes. Ang diabetes ay panghabang-buhay na sakit dahil walang gamot para dito. Ang mga diabetic patient ay kailangang mabago ang lifestyle upang hindi lumala ang kanilang sakit.
Ang calcium ay isa sa mga kailangan ng buto upang tumibay, ngunit ang mga softdrinks ay nagtataglay ng sobrang phosphoric acid na pumapatay sa calcium ng katawan. Dahil dito, maaari itong humantong sa osteoporosis at pagkasira ng ating mga buto.
Ang matatamis na pagkain at inumin ay nakakataba at nakakalaki ng tiyan o belly fats.
4. CANCER
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mahilig uminom ng softdrinks ay may mataas na tyansang magkaroon ng cancer.
Ang mga acid ng softdrinks tulad ng phosphoric at carbonic acid ay maaring pagmulan ng cavities at pagkabulok ng ngipin.
6. GOUT ARTHRITIS
Ang gout ay ang pamamaga at pagkirot ng mga kasu-kasuan lalo na sa paa. Ito ay lumalabas kapag may mataas na uric acid sa ating mga dugo at namumuo. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong mahilig uminom ng softdrinks ay may mataas na tyansang magkaroon ng gout arthritis.
7. HEART DISEASES
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong umiinom ng matatamis na inumin araw-araw ay may 20% na tyansang makaranas o mamamatay sa heart attack kumpara sa mga taong hindi gaanong umiinom ng softdrinks.
Walang sustansyang makukuha sa softdrinks. Huwag sanayin ang katawan sa pag-inom ng mga ito. Mas mabuting tubig o lemon juice nalang ang ating inumin.