Babae sa China mahigit 40-years nang hindi nakakatulog, Ano kaya ang dahilan?


Trending ngayon sa social media at sa iilang mga news program sa China ang isang babae apat na dekada o 40 taon nang hindi natutulog.


Kadalasan saatin ay pinaka mataas na ang isang araw na hindi tayo makatulog. Ngunit ang babaeng nag ngangalang si Li Zhanying 46-years-old may asawa, nakatira sa Henan, China ay 'di umano 40 na taon nang walang tulog at hindi man lang daw ito dinadalaw ng antok.



Ayon kay Li, huli raw siyang nakatulog ay noong 6 na taon palang siya.


Samantala, ang kakaibang kondisyon na ito ni Li ay kinumpirma ng kanyang mga kapitbahay sa Henan, China.


Ayon sa pananaliksik, ilang beses ng sinubukan ng mga kapitbahay ni Li Zhanying kung talagang hindi ito nakakatulog sa pamamagitan ng pakiki-paglaro ng braha tuwing gabi. Lahat ng mga nakakalaro ni Li ay hindi makatiis na umuwi na sa kanilang tahanan dahil inabot na ito ng antok at ang iba naman ay nakakatulog mismo sa harapan ng lamesa na kanilang nilalaroan.


Noon raw ay nagpatingin naman sa doktor si Li ngunit walang nakitang kakaiba sa kanya at niresetahan na lamang siya ng sleeping pills ngunit walang naitulong sa kanyan ang pag-inom nito, kumbaga nga ay walang epekto sa kanya ang nasabing pampatulog.



Kamakailan lang isang kilalang espesyalista sa Beijing ang naging interesado sa kakaibang kondisyon ni Li.


Inalok si Li na pag-aralan o obserbahan ang kanyang kaso patungkol sa hindi makatulog. Isang grupo ng mga doktor ang gumamit ng mga advanced sensor para pag-aralan sa loob ng 48 hours kung totoo ba na hindi talaga nakakatulog si Li Zhanying.


Matapos sumailalim sa 48 hours brainwave monitoring, natuklasan ng mga doktor na nakatulog si Li ngunit hindi sa normal na paraan.



Sa pag-aaral nga nila ay natuklasan nilang may rare sleep disorder si Li na tinatawag ng mga espesyalista na "sleep when awake". Ang mga taong may ganitong kondisyon ay mababaw lamang ang tulog. Bukod pa dito, hindi pumipikit ang mga mata nila tuwing natutulog at aktibo parin ang mga nerves at organs kahit tulog na.


Sa kaso ni Li Zhanying ay maituturing din ito na kakaiba at kasalukuyan, wala pa nga itong lunas sa sleep disorder ni Li.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form