BABALA: Mga delikadong sakit na makukuha ng taong laging nagpupuyat!


Kung isa ka sa mga taong kulang lagi ang tulog, alam mo bang may mga masamamg epekto ito sa iyong kalusugan?



Alam niyo ba na humihina ang immune system ng taong hindi sapat ang tulog? Kapag mahina ang immune system ng isang tao, mas mabilis itong kapitan ng virus, lagnat, ubo, at sipon. 

Dahil sa kakulangan ng tulog, ang katawan ay maaapektohan sa pag produce ng insulin. Ang insulin ay isang hormone na kumukuha ng Glucose o asukal sa dugo para gawing energy. Kapag kulang ang insulin ng iyong katawan, maiiwan ang sobrang glucose sa iyong dugo. Maaari kang magkaroon ng Type-2 Diabetes dahil dito.



Nagpapahina din ito o walang gana sa sex ang mga taong kulang sa tulog. Sa mga lalaki, pinapahina nito ang sex drive dahil sa pagbaba ng testosterone levels. 


Kung ang tulog mo ay mas mababa sa 5 oras, ito ay magiging sanhi ng pagtaas ng iyong blood pressure. 



May mataas din na tyansang magkaroon ngs sakit sa puso dahil sa kakulangan ng tulog. Nagiging abnormal kasi ang pagproduce ng mga chemical sa ating katawan na makakaapekto sa ating puso.



Nakakapurol din ng utak ang laging kulang sa tulog. Ang mga batang laging puyat ay hindi maka-concentrate sa pag-aaral, at apektado ang creativity nila. 

Ayon sa mga pag-aaral, malaki din ang tyansang maging makakalimutin ang taong hindi sapat ang tulog.



Dahil hindi makapag-isip ng mabuti at inaantok, mataas din ang tyansa nito sa mga car at motorcycle accident. 


Para maiwasan ang mga ganitong sakit at aksidente, matulog ng sapat at huwag magpupuyat. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form