Si Ynfane Abanica na kilala rin bilang Ana Capri ay ipinanganak noong April 24, 1979.
Taong 1996, sinimulan niya ang kanyang karear sa industriya ng showbiz sa pelikulang pinamagatang "Virgin People 2" at ginampanan ang karakter ni "Talia" kasama ang kanyang mga co-star na sina Sunshine Cruz, Tonton Gutierrez, at marami pa. Sa taong 1998 ang kanyang karera ay nagpatuloy sa sa pelikula na pinamagatang "Serapin Geronimo: Ang Kriminal ng Baryo Concepcion", lumabas din sa palabas sa telebisyon na "Sa Paraiso ni Efren" noong taong 1999 at sa pelikulang "Live Show" sa taong 2000.
Nakuha niya ang kanyang kauna-unahang Best Actress Award sa taong 1999 sa pelikulang "Pila Balde" at nakuha ang kanyang huling pelikulang "2 Cool 2 Be 4 Gotten" sa taong 2016 bilang isang supporting actress at huling TV show na "Ngayon at Kailanman" taong 2018 bilang si Sising Bernabe.
Bagaman sinimulan ni Ana ang kanyang showbiz career sa pamamagitan ng kanyang Sexy films, hindi maikakaila na pinatunayan lamang ng husay ni Ana na siya ay isa sa pinakamahusay na artista sa Showbiz ng Pilipinas. Nagwagi pa si Ana ng "Movie Supporting Actress of the year" award para sa kanyang pagganap sa "Laut" sa 33rd Star Awards for Movie noong 1997.
Matapos ang katagalan ng kanyang matagumpay na karera sa showbiz, nagpasya siyang taousin ang kanyang karera showbiz ng makilala ang kanyang asawa ngayon na si Dave, na isang Australian at kasalukuyang nagtatrabaho sa Gas Company at nagpakasal sila noong taong May 13, 2019.
Ngayon ay kasalukuyang nakatira sila sa Australia kasama ang kanyang asawa at anak na lalaki.