Napakasakit ng iyak ng singer -comedienne na K Brosas ng magkwento tungkol sa kasong isinampa niya laban sa contractor ng kanyang dream house.
Hindi mapigilan ng komedyante ang sarili na maging emosyonal habang ibinabahagi sa ilang miyembro ng intertainment media ang masaklap na karanasan sa pagpapagawa ng bahay.
Umabot sa P7 million ang nailabas niya para sa nasabing bahay at cash daw niya itong ibinigay sa contractor pero halos 35% palang daw ang natapos.
"Pinag-ipunan ko yun at wala akong loan. Pamana ko dapat sa anak ko yung house. napakasimple lang po ng bahay, wala pong swimming pool, para sa amin lang po ng anak ko. Ang pinaghandaan ko lang po dun, yung walk-in closet at mala-spa na banyo. Yun lang."
"Tapos, puro pangako. So yung anxiety disorder ko nagpeak. Tapos, siyempre, mga naging kaibigan mo kaya ang sakit."
Hindi pinangalanan ng singer-comedienne ang idinemandang contractor, pero aniya inirekomenda ito ng kanyang kaibigan, "But I would like to point out that my friend has nothing to do with it."
"Now I'm back to zero at nag-iipon na naman uli ako para maipagawa ko na ang bahay ko", aniya pa. Kumuha na raw siya ng bagong contractor na siyang magpapatuloy sa construction ng kanyang drean house.
Kung may isang aral man na natutunan si K Brosas sa nangyari ,"These days, I always seek the help of lawyers. Dati hindi ako mahilig makipag-usap sa mga abogado. Pero this time, lahat ng mga galaw ko lalo na sa career, dinadaan ko na sa abogado."
Payag ba siya na makipag-settle sa mga taong kinasuhan niya ? "Bahala na ang mga lawyer ko kung paano nila dapat ayusin ang problem na ito."
Samantala, nagpasalamat si K Brosas sa Cornerstone Talent management ni Erickson Raymundo dahil hindi ito nagkulang sa pagsuporta at pagtulong sa kanya.
Super thankful din siya sa Cornerstone at kay Lord dahil sa gitna ng pandemya ay marami pa ring blessings na dumarating sa kanya tulad ng mga regular show niya sa TV5, tulad ng noontime show na "Lunch Out Loud" at reality singing competition na "Sing Galing!".