Luis Manzano nagmamakaawa na panoorin ang kanyang "Vlog for a Cause" para sa batang si Sopia Amano


Nagmamakaawa ang Kapamilya TV Host-comedian na si Luis Manzano sa madlang pipol na panoorin ang bagong vlog sa Youtube kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan.


Kasabay nito, inilunsad din ng asawa ni Jessy Mendiola ang kanyang "vlog for a cause" kung saan ang lahat ng kikitain ng ilalabas niyang video ay idodonate niya sa mapipili niyang beneficiary.


Ang una ngang matutulungan ng latest vlog ni Luis ay ang 5-taong gulang na bata na kailangang operahan dahil sa malubha nitong karamdaman. Kaya naman bago nagsimula ang kanyang "Guilty or Not Guilty" challenge kasama ang kanyang mga kaibigan, nananawagan siya sa mga netizen na panoorin ang buong video at ishare sa online community.


Dagdag pa ni Luis na ang lahat ng kikitain ng vlog ay ibibigay niya kay Sopia Amano at sa pamilya nito para sa pagpapagamot ng bata.




"Hi guys agad-agad, pakiusap ko sa inyo please, panoorin niyo itong vlog na ito. Nagmamakaawa po ako, hindi po ito clickbait, hindi po ito pa-cute, hindi po ito may punchline sa dulo ," ang pahayag ng TV host sa simula ng vlog niya.


Aniya pa, "Nagmamakaawa ako please watch and share this vlog. Bakit? Dahil one time, nagsocial media po ako, may nakita po akong isang batang babae, 5 years old na si Sopia Amano." "Nakita ko po si Sopia eh, nakalabas po yung tiyan dahil nagkataon po na si Sopia ay ipinanganak na walang butas sa kanyang likuran , kaya kailangan ilabas ang kanyang tiyan para mailabas ang dumi niya," paliwanag pa ni Luis.


"Kahit wala po kayong pakialam sa akin, okay lang. Kahit iwan niyo lang na naka-on dahil malaki ang naitutulong niyan. Imagine, makakatulong kayo ng hindi naglalabas ng pera o kahit ano," dagdag pa niya.





Sabi pa ni Luis susubukan niyang makagawa ng maraming vlog para marami pa siyang matulungan na talagang nanganagilangan, lalo pa't napakahirap narin ng buhay ngayon dahil sa pandemya. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form