May mga nagbunyi at natuwa ng ibandera na si Sen. Manny Pacquiao ang desisyong tumakbo sa pagkapangulo sa 2022 elections, ngunit marami rin ang kumontra at bumatikos sa kanya.
Hati ang saloobin ng sambayanang pilipino sa desisyon niyang ito na tanggapin ang nominasyon ng PDP-Laban faction bilang kandidato sa presidential race next year.
Kung may mga sumang-ayon, mayroon ding bumatikos sa Pambansang Kamao ng ianunsyo na niya ang kandidatura sa pamamagitan ng facebook live streaming kahapon.
Hindi lang sa pilipinas naibalita ang pagtakbo ni Pacman sa 2022 bumandera rin ito sa ilang international news program tulad ng BBC, Channel News Asia, South China Morning post at iba pa.
Agad ding nagtrending sa Twitter Philippines ang pangalan ni Pacquiao at naging hot topic din sa Facebook dahil sa milyun-milyong comments ng mga netizens.
Karamihan sa mga nagreact ay napamura pa sa balita kasabay ng pagmamakaawa kay pacquiao na huwag ng dagdagan pa ang paghihirap ng mga pilipino.
Iba-iba rin ang naging reaksyon ng mga tao sa naging speech ni Pacman matapos ihayag ang kanyang kandidatura kung saan binantaan nito ang lahat ng tiwaling opisyal sa gobyerno.
"Your time is up! Panahon na upang manalo na naman ang mga naaapi. Panahon na upang makabangon ang bayan natin sa lugmok na kahirapan. Panahon na na ang isang malinis na gobyerno kung saan ang bawat sentimo ay mapupunta sa bawat pilipino."
"Sa nanunungkulan sa sa ating pamahalaan na patuloy na nagsasamantala at nagnanakaw sa kaban ng bayan, malapit na kayong magsama-sama sa kulungan. Your time is up!
"Binigyan namin kayo ng pagkakataon pero kami ay inyung binigo. Naghintay po kami ng mahabang panahon, ilang dekada na ang lumipas pero wala ring nangyari. Sawa na kami sa inyong mga pangako, sa inyong mga dahilan.
"Sa ngalan ng PDP-Laban at ng bawat pilipino na nangangarap ng isang maunlad na buhay, si Manny Pacquiao po ay handang gumabay at mamuno sa inyo sa panahon ng kahirap, pagbangon at pag-asenso.
"Panahon na magsama-sama po tayo. Ako ay naniniwala, even the impossible can happen if it is ordained by the lord!" ang mga pahayag ng senador.
May paalala rin siya sa baway pilipino bilang isang boksingero, "I am a fighter and I am always be a fighter inside and outside the ring! Sa buong buhay ko, wala akong laban na inaatrasan dahil sa ngalan ng prinsipyo, karangalan ng bayan ay tumayo ako, naninindigan at nakikipaglaban."
"Ang Manny Pacquiao na kilala ninyo, 'di lang Pambansang Kamao, ay walang ipinagkaiba sa Manny Pacquiao na kasama ninyo laban sa kahirapan at katiwalian," diin pa niya.
Kung matatandaan, naging congressman ng Saranggani Province si Pacquiao noong 2010 at nahalal naman bilang senador noong 2015.
Bilang isang botante, pabor ba kayo sa pagtakbong ito ni Pacman o isa rin kayo na tumututol dito?