Neri Miranda, nag-offer ng Free Wedding Party sa "Viral Scammed Couple" sa Cebu


Ang aktres na si Neri Naig-Miranda ay nag-alok na i-shoulder ang wedding party ng bagong kasal na taga-Cebu na viral ngayon sa Facebook dahil umano'y iniscam ng Wedding Coordinator. 



Sinabi ni Neri na nakita niya ang video sa Facebook at naawa siya sa sinapit ng Bride sapagkat naging Bride din naman siya kaya naisipan niyang tulungan ang couple sa pamamagitan ng pag-offer ng Free Wedding Party.



"Just saw this on facebook."

"Bilang naging bride din ako, ang pinakaayaw natin ay mastress sa mismong kasal natin. Kahit lahat ng tao sa paligid natin, di tayo dapat binibigyan ng stress.


"Kung sino po ang nakakakilala sa bride, pakisabi po, message po ako or my partner @jonahcbautista. Kami na bahala sa reception niya. Malapit lang naman ang @jejusamgyupsal sa lugar nila. Dun na natin gawin ang reception niyo. Since mahigpit po ang dine in parin, mga 20 pax po ang kakasya sa Jeju Samgyupsal Resto po namin sa Cebu.


"Sagot narin po namin ang cake, may emcee kana rin po para may program po ang reception niyo. May pabaon kaming @terra.ph accessories @_verineri_beddings @verineri_sleepwear gift from @saturdaydress para sa bride.

"Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo kahit papaano. Wag kana pong umiyak. Kami na bahala sa inyo.


"Pahabol pa! Nag-message sa akin ang may-ari ng Skin Magical at Teatalk na si ate @ghie.pangilinan sagot na raw niya ang tokens para sa mga guests at magbibigay din siya ng cash para sa newlyweds."


Nag-update si Neri tungkol sa pag-uusap ng couple at ng kanyang business partner sa Cebu.



"Yehaaaay! Nakausap na ng business partner ko sila Cherry Pie at nakapag meeting na sila sa Jeju Samgyupsal kanina para ayusin ang naudlot nilang reception. 


"Superd excited na ako sa mag-asawa esp. kay Cherry Pie. Deserve ng lahat ng kababaihan na maging mala prinsesa sa kanyang kasal. Minsan lang 'to! Syempre ang pinakamahalaga yung nagmamahalan sila ng kanyang kabiyak. Simple man ang reception o magarbo, ang importante ay kung ano ang laman ng kanilang mga puso. 

"Thank you, partner @jonahcbautista sa pag asikaso lahat dyan sa Cebu.


"Happy na ang lahat dahil happy na si Cherry Pie! excited na ako for them! Pero quiet muna ako, hihi! "


Anong masasabi niyo tungkol dito?

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form