Tatlong bagay na dapat gawin pagkatapos ng inyong "Matinding Bakbakan"

Ano ang mga dapat gawin ng magpartner pagkatapos ng "bakbakan"?




Mayroong (3) tatlong bagay na dapat gawin ng magpartner pagkatapos magtalik. 


1. Dapat umihi bago matulog. Kailangan umihi muna bago matulog, isang solidong ihi upang maiwasan ang anumang infection sa private area. During contact ay hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng infection na mula sa partner.


 
Kapag hindi naiihi, uminom ng isang basong tubig bago o pagkatapos magtalik upang makaihi ng isang solidong ihi at upang mabawasan ang pagkakataon na magkaroon ng UTI o Urinary Tract Infection.



2. Magtoothbrush o magmouthwash. Gawin ito upang maiwaasan ang infection sa bibig, hindi lamang sa ating private area. Sapagkat ang bibig ng tao isa sa pinagmumulan ng bacterial infection.


 

3. Dapat maghuhugas ng Private part o kaya'y maligo. Sa paghuhugas ng Private part, dapat ay gumamit ng maligamgam na tubig at mild soap. Pwede din gumamit ng Feminine wash sa mga babae. Banlawang mabuti pagkatapos upang maiwasan itong mainfection.


 

Ang mga paalalang ito ay para sa Personal hygiene ng bawat magpartner, Pero upang mas maging ligtas sa ibang sakit tulad ng STD at HIV-AIDS ay gumamit ng condom lalo na kung hindi pa masyadong kilala ang kapartner sa kama.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form