Tunay na lagay ni Toni Gonzaga pagkatapos mabatikos sa interview niya kay Bongbong Marcos


Matapos tirahin ng samu't-saring pambabatikos si Toni Gonzaga ng iba nating mga netizens patungkol sa  mala kontrobersyal na interview ng ninong niya sa kasal na si Bongbong Marcos ay ngayon nga ay humarap na sa publiko ang aktres kasama ang pamilya niya na nagmamahal sa kanya.


Madami ang nagsasabi na hindi dapat binigyan ng pagkakataon ni Toni na ma white wash ang tungkol sa usaping Marcos, tulad nalamang ng open letter ng Ateneo de Manila University Martial Law Museum para kay Toni.


Bagamat marami din ang naniniwala na naging unbias ang naturang interview at hindi naman daw politically motivated, very neutral naman ang ginawang paghandle ni Toni sa interview niya kay Bongbong just like her any other past interviews.



Matatandaan na bago paman ang interview niya kay BBM ay pinaalaam na niya sa lahat na hindi niya kina-categorize ang lahat ng kanyang makakapanayam.


"I don't categorize the people I interview. I look at all of them as people who have stories to share. No matter how bad a person is, no matter how good a person is, no matter how cancelled a person is by the society, every single person in this planet has a powerful story to tell. And no matter how bad their story is, we can always learn from the person," paliwanag ni Toni.

Dahil nga sa pag-alma ng ibang mga netizens sa interview ni Toni kay BBM ay mas lalong naging sensational ang usapin na ito sa totoong nilalaman ng pag-uusap ng dalawa.


Samantala, marami rin ang dumepensa kay Toni Gonzaga patungkol sa usaping ito, katulad nalamang ni Gov. Chiz Escudero na ibinahagi din ang opinyon niya sa social media.


"Toni Gonzaga has the freedom & right to interview whomsoever she may want to in her platforms. Whether or not you agtree with the interview or her is totally up to you because you too have the freedom & right to watch or not to watch or like/dislike." sabi ni Chiz sakanyang Twitter account.


Maski si former Senate President Juan Ponce Enrile nagsalita narin in favor kay Toni Gonzaga. "Poor Toni Gonzaga. She is a victim of prejudiced minds-people who took underserved credit and advantage for the so-called people power revolution of 1986."


"They were totally ignorant of the real facts. They act on the basis of what they heard or imagined."

Pati narin ang Taleng Manager na si Ogie Diaz ay naglabas din ng reaksyon. "Kahit naman ako si Toni Gonzaga, bakit ko iinterbyuhin ang mga Martial Law victims?"



Ngayon naman na almost 1 week na after ang kotrobersyal na issue ni BBM ay pumalo na nga sa Top 1 Trending sa YouTube ang Toni Talks with Bongbong Marcos. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form