Ano kaya ang dahilan ng biglaang pag-alis ng Komedyanteng si Ai Ai Delas Alas sa Pilipinas?
Mabilis na kumalat ang balitang huling TV engagement na ng Comedy Queen na si Ai Ai ang kanyang pagkakasama sa Season 4 ng Singing Contest na "The Clash" sa GMA-7. Ito ay matapos maglabas ng balitang nakapagdesisyon na itong umalis ng bansa at magpunta na sa America.
Ayun pa sa aktres, matagal siyang maninirahan sa nasabing bansa. Ipinagpapasalamat naman niya ang pagkakaroon ng mga virtual shows dahil maaari parin siyang makapagtrabaho at makita ng kanyang mga fans online.
Sinabi rin ni Ai Ai na nakipag-usap na siya sa GMA Pinoy TV at marami narin ang nakalinya nitong mga palabas na malamang ay mag-uumpisa sa Pebrero sa susunod na taon.
Sa mga hindi nakakaalam, taong 2015 nang maging Green Card Holder si Ai Ai kaya naman maari itong manirahan kung kanyang nanaisin at magtrabaho sa America. Nag-apply siya na magkakaroon ng Green card noon pa man para sa maging trabaho nito sa America. Mas mapapabilis kasi ang pagproseso ng mga dokumento nito sa tuwing magkakaroon siya ng trabaho bilang isang performer.
Aniya, mahirap sa isang performer ang araw-araw na magpunta sa Embassy para sa mga requirements sa tuwing magkakaroon sila ng trabaho abroad. Kaya naman minarapat na niya na kumuha na ng Green card para naman mabawasan ang hirap ng pagpunta sa Embassy. Hindi lamang sa trabaho bilang performer ang kanyang naging rason sa pagkuha ng Green card, kailangan din niya ang madalas na bumisita sa nasabing bansa dahil ang mga anak niya na nandoon nag-aaral at nagtatrabaho.
Ang isang U.S Green card holder ay pinapayagan na manirahan at magtrabaho sa Estados Unidos at simulan ang proseso upang maging Naturalized Citizen. Iginagawad sa sinuman ang nasabing card ang pagiging permanenteng mamamayan ng bansa na may karapatan sa maraming mga benepisyo pero hindi lahat.
Matatandaan din na bago matapos ang Mayo nitong 2021, nagtungo si Ai Ai kasama ang kanyang asawa na si Gerald sa America para sa kanilang personal errands at kasama na dito ang pagpapabakuna laban sa virus at para mabisita narin ang anak na nagtatrabaho.
Isa pa sa mga plano ni Ai Ai na manirahan sa America ay upang mapetisyon narin nito ang mister na si gerald. Sa ngayon ay masayang naninirahan ang mag-asawa sa America.