Beteranong Actor Dindo Arroyo: Mga karanasan sa Buhay at Pagbangon


Si Conrado Manuel Macalino Ambrosio II o mas kilala bilang si Dindo Arroyo ay ipinanganak noong December 4, 1960. Nag-aral siya sa Trinity University in Asia noong High School at sa Letran noong College kung saan kumuha siya ng Kursong Bachelor of Science in Commerce major in Marketing, kung saan nahasa ang kanyang talento sa pag-acting sa mga Stage plays at minsan ay nanalong Best Actor. 




Isa siya sa mga kilalang Beteranong Aktor noong Dekada 90 dahil sa kanyang kontrabida-role sa iba't-ibang pelikula lalo na sa action films. Naitala na matagumpay na nakagawa ng mahigit 100 na pelikula ang aktor.  



Ngunit sino nga ba ang nakatuklas sa talento ng aktor?


Noon, nagmamay-ari ang pamilya ng aktor ng isang paupahan at isa sa mga nangungupahan dito ay isa sa mga staff ng Viva Films. Minsan ay nangungulekta si Dindo ng upa, at may shooting ng pelikula malapit doon. Doon siya nakita ni Philip Salvador at inanyayahan na maging artista.



Bilang isang aktor na may higit na karanasan, pinayuhan ni Philip si Dindo na pahabain ang kanyang buhok at mag-aral ng Taekwondo. Mula sa isang studyante, si Dindo ay naging Assistant ni Eddie Garcia sa  pelikulang "Ikasa Mo, Ipuputok ko" noong 1990. 

Para sa aktor, talagang isang pribilehiyo ng personal siyang  pinili ng isang "The King" Fernando Poe Jr. na makasama sa pelikula nitong "Dito sa Pitong Gatang" at iba pang mga pelikula ni "The King". Matatandaang si "The King" ay ninong ni Dindo at ng kanyang namayapang asawa sa kasal.



Bukod kay Philip Salvador at Fernando Poe Jr., nakatrabaho din ni Dindo ang mga batikang aktor na sina Bong Revilla, Lito Lapid , Rudy Fernandez, at maging ang Comedy King Dolphy. Ang galing ni Dindo sa pag-arte ay ginawaran siya ng "Kontrabida of the Millenium 2020 Award" galing sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).


Gayunpaman, nagpasya si Dindo na lisanin ang Showbiz upang magkaroon ng simpleng pamumuhay. Ngunit noong 2014, na diagnose si Dindo ng Stage 4 Pancreatic Cancer at sumailalim ito sa isang operasyon. Sa kabutihang palad, sa tulong ng mga gamot at  halamang gamot na kanyang iniinom sa loob ng 6 na buwan ay Cancer-free na si Dindo. 

Kamakailan lang ay napapanood si Dindo sa "Ang Probinsyano" bilang si Guillermo Acosta.







Sa ngayon ay masayang namumuhay si Dindo kasama ang kanyang 6 na anak at masayang naglilingkod sa Panginoon sa samahang Members Church of God International (MCGI). 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form