Binabad na Okra o Okra Water, epektibo para sa Diabetes, Highblood at iba pang sakit



Isa ka ba sa mga taong may iniindang sakit? Ilang pirasong gamot ba ang iyong iniinom bawat araw ? Alam mo ba na may mga alternatibong gamot na makikita lang natin sa ating paligid na epektibo para gumaling ang ating mga sakit? Alamin natin.





Kilala ang Okra (Abelmoschus esculentos) sa madulas nitong katas na tinatawag na mucilage, pero alam niyo ba na ito rin ang makakatulong sa mga taong may iniindang sakit tulad ng Diabetes, Highblood, at iba pang karamdaman? 



Sikat na sikat ngayon ang binabad na okra sa tubig o Okra water, dahil sa kakaiba nitong katangian na kayang magpagaling at makatulong sa ating mga kalusugan. 




Mga Benepisyo ng Okra water


1. Mabuti para sa may Diabetes.
May mga pag-aaral na ang okra ay kayang magpababa ng blood sugar at lipid levels.. 


2. Pampababa ng Blood Pressure.
Dahil nagtataglay ang okra ng potassium, makakatulong ito upang ma-control ang ating Blood Pressure. 


3. Pampababa ng Cholesterol Level.
Ang okra ay mayaman sa fiber, at mucilage na nakakatulong upang mapababa ang Cholesterol Level ng tao. Ang mataas na Cholesterol ay maaaring magbara sa mga daluyan ng dugo na magreresulta ng stroke at heart attack.


4. Panlaban sa Cancer. 
Mayaman sa antioxidants ang okra na lumalaban sa mga free radicals na maaaring pagmulan ng Cancer.  


5. Pampalinaw ng mata.
Makakatulong ito sa ating mga mata dahil nagtataglay ang okra ng Vitamin A, Lutein, at Beta Carotine na kailangan upang makaiwas sa panlalabo ng mata tulad ng Macular Degeneration at Cataract. 


Paano gumawa ng Okra water?


1. Kumuha ng 4 na bunga ng okra at hugasang mabuti.

2. Tanggalin ang magkabilang dulo nito at hati-hatiin ang okra sa maliliit na piraso.

3. Ibabad ng magdamag sa isang basong tubig.

4. Tanggalin ang okra at inumin ang tubig bago kumain ng  agahan. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form