Jennylyn Mercado nasorpresa sa 'Wedding Proposal' ni Dennis Trillo, at Pregnancy reveal!


Kahapon lamang biyernes October 29, ay official nang inanounce nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang masayang balita na silang dalawa ay engage na at magkakaroon na bagong miyembro ang pamilya dahil 3months pregnant na si Jennylyn.


Sa YouTube Channel ng aktres ay ipinakita nila ang actual wedding proposal Dennis kay Jennylyn.

Ang akala ni Jennylyn nung una ay magshoshot lamang sila pero nung nagiging emotional na ang mga binibitiwang salita ni Dennis ay naiyak na nga ang aktres at agad nanghingi ng tissue.



Inamin din ni Dennis na matagal na sanang itong naganap ang tagpong iyon pero hindi pa siya ready, ngayon nga ay tiyak na ng aktor na si Jennylyn ang gusto niyang makasama habang-buhay.

Pagkatapos noon ay bumukas ang pinto sa may likoran ng aktres at bumungad ang malaking ang malalaking letra na nagsasabing "Will You Mary Me" naisuot na agad ni Dennis ang singsing kay Jennylyn kahit hindi pa ito sumasagot.



Ayon naman kay Jennylyn sa kanyang Facebook page post, "It's always been a YES".

Matapos ang proposal ay naglapitan na sa kanilang mga pamilya at binati silang dalawa, nandoon din ang anak ni Jennylyn at ang mga magulang ni Dennis.


Samantala, nang makapanayam ni Nelson Canlas ng '24 Oras' si Jennylyn ay doon din nila inamin na sila ay ikakasal na at siya ay 3months pregnant na. 

Kaya naman dumagsa din ang mga pagbati ng mga netizens, kaibigan at mga mahal sa buhay sa kanilang dalawa. 






Well congratulations Dennis at Jennylyn! 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form