Non-showbiz Fiance ni Dominique Barreto Cojuangco, sobrang yaman pala!


Masayang ibinalita ni Dominique Barreto Cojuangco, anak nina Gretchen Barreto at Tonyboy Cojuangco, isang Fashion designer, model, at entreprenuer, ang engagement nito sa kanyang longtime non-showbiz boyfriend na si Michael Hearn.






Ang pag-anunsyo ng kanilang engagement ay ginawa nilang dalawa sa kanya-kanya nilang social media accounts kung saan maraming kaibigan ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa newly-engaged couple. Nagpost silang dalawa ng photo na may magkaibang poses. Makikita sa background ng kanilang mga photos at sa mga post ni Gretchen na nasa Amanpulo nangyari ang engagement ng dalawa.





Ang relasyon ni Dominique sa kanyang Fiance ay hindi naging lantaran sa publiko dahil napanatili nito ang kanilang pribadong buhay. 



Lumabas na lamang ang tungkol sa kanilang pagmamahalan noong 2019, nang makitang nagpost si Dominique ng litratong magkasama silang dalawa pati na rin ang bonding time nila na kasama ang kanilang aso.




Pero sino nga ba si Michael Hearn?

Si Michael ang Business Operations Director at Royal Institution Charter Surveyor na may karanasan sa mga malalaking negosyo sa loob ng merkado ng Pilipinas. 



Naghahanap siya ng mga pagkakataon sa pakikipagsosyo at pamumuhunan sa mapaghamon at mabilis na mga negosyo.


Ilan sa mga highlights of expertise ni Michael ay ang Strategic Business Planning and Implementation, Sales and Business Development, Business Operation and Resource Management, Property Appraisal Investment and Management, Contract Administration and Arbitration, Project and Program Management, at Cost and Commercial Management.

Sa kasalukuyan, siya ang Executive Director ng Hearn & Hearn Consulting na isang construction firm. Tinutulungan ng kanilang kumpanya ang mga investors, developers, contractors at tenants na maghatid ng matagumpay na mga proyekto sa construction sa pamamagitan sa paghamon ng kasalukuyang sitwasyon. 


Ang naturang kumpanya ay naghatid ng makabagong practice na nagbibigay ng payo at serbisyo sa malawak na bagay ng mga aktibidad na nag-uugnay sa pagbuo at pagsulong ng mga proyekto.


Isa rin si Michael sa mga Director ng Hearn Land, isang privately own investment company sa United Kingdom na dalubhasa sa acquisition at pamamahala ng mga pag-aari ng tirahan sa Southwest U.K. Itinayo at pinamahalaan niya ang nsabing kumpanya noong 2013. 

Maliban sa kumpanya na pagmamay-ari ng kanyang pamilya, siya rin ang kasalukuyang co-founder at managing partner ng Run Rabbit Run Cocktail bar. Ang isa pa nitong business bilang investor naman ay ang Winery Philippines o winery.ph na nagcucurate ng mga best wine sa bansa. Siya rin ang isa sa nagtaguyod ng Clear Ice Company sa bansa, na ang layunin ay makapagbigay ng kalidad na klase ng yelo, sila ang supplier ng mga hotels, bars, casino at iba pa.


Samantala, wala pang petsa ng kasal ng dalawa pero ito ay inaabangan ng marami at gustong makita na ikakasal na ang Unica Hija ni Gretchen at Tonyboy.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form