Rumored Boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou, isang Milyonaryong businessman pala!



Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan nina Nadine Lustre at rumored-boyfie Christophe Bariou na nag-HHWW (Holding-hands-while-walking) habang nagshopping.


Si Christophe Bariou ay isang kilalang French-Filipino businessman, professional surfer, investor, at negosyante. 





Si Bariou ay ipinanganak noong ika-27 ng Agosto 1990 sa Saint-Michel-sur-Orge, Paris, France. Nagtapos siya ng Kursong Sociology sa Institut Catholique de Paris at sa paaralang Leonardo da Vinci noong High school. 




Ang 31-years-old na businessman ay anak nang isang businessman na si Raymund Bariou at isang pilipina, hindi pinangalanan ang kanyang ina.  Mayroon siyang kapatid na babae, si Stephanie Christine Bariou. 




Pagkatapos magtapos ng pag-aaral si Christophe ay sinunod niya ang yapak ng kanyang ama na pasukin ang business world. Siya ang nagsilbing co-founder at owner ng BE Siargao, isang lifestyle at community magazine. Nagtrabaho siya sa Isla Bariou Inc. bilang isang Secretaire General noong November 2014 at bilang isang Assistant Technician HF sa Greenhouse Acts noong March 2016. Maliban dito, si Bariou ang Managing Director at Founder ng Maison Bukana. 




Hindi lang gwapo ang rumored boyfie ni Nadine, isang itong Milyonaryong businessman na may net worth mahigit-kumulang $5-6 million USD.



Naging mas kilala ang pangalan ni Bariou ngayon ng ma-link ang pangalan niya kay Nadine Lustre. Hindi man nagconfirm ang aktres ukol dito subalit marami na ang nakapuna sa kanilang relasyon at sweetness. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form