Vice President Leni Robredo nagfile na nang Certificate of Candidacy para sa kanyang kandidatura sa pagka Pangulo sa darating na Halalan ngayong 2022.
"Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon. Lalaban ako, Lalaban tayo. Inihain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo sa Halalan 2022." pahayag ng VP sa kanyang speech.
"Mahaba ang daang tinahak natin para makarating sa araw na ito. Hindi ko binalak tumakbo. Iniisip ko ng bumalik na lang sa probinsya namin, kung saan marami rin ang umaasa sa aking tumulong magpanday ng pagbabago." dagdag pa niya.
Isa sa naging viral na linya niya sa kanyang speech, "Nanay ako hindi lang ng tatlong anak ko, kundi ng buong bansa." kanyang pahayag bilang isang ina ng bansa. Ngunit ang pahayag niyang ito ay hindi nakalusot sa mga mata ng kanyang mga kritiko. Iba't-iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa naging pahayag ng VP Robredo.
Makikita ring magkasamang humarap sa taumbayan sina VP Leni Robredo at Kiko Pangilinan - hudyat ng kanilang pagtatambal para sa Halalan 2022. Bago paman ang kanilang joint press conference, sinamahan ni VP Leni si Senator Kiko sa pagpafile ng kanyang certificate of Candidacy para sa pagka-bise presidente.
Samantala, ang pagtatambal nilang ito ay napagkatuwaan ng mga netizens at binansagan silang #Leki - tambalang Leni-Kiko sa Halalan 2022.