Ang totoong dahilan kung bakit itinago ni Elisse Joson ang kanyang pagbubuntis!

 Paano nga ba naitago ni Ellise Joson sa publiko ang kanyang pagbubuntis?



Nagulat nga ang publiko sa pagbisita ng kilalang on-and-off screen loveteam na Mclisse sa Bahay ni Kuya, ang Pinoy Big Brother Season 10 Celebrity Edition, noong October 31, 2021. Dito nila binasag ang kanilang katahimikan at sinabi sa publiko na sila ay proud parents sa isang napakaganda at napakabibong Baby girl. 


Dito na rin nila tinanong si Kuya kung papayag ba itong maging Ninong ng kanilang anak na nagngangalang Felize McKenzie. Kahit alam nilang dalawa na imposibleng makadalo si Kuya sa binyag pero sinubukan parin nila ito.



Ang kanilang Baby girl din ay kanilang itinuturing na biggest blessing at lucky charm sa kanilang buhay. Ang desisyon na ihayag nila ang tungkol dito ay dahil sa PBB nagsimula ang kanilang love story. 



Hindi inaasahan ng kanilang fans ang masorpresa sa kanilang anunsyo dahil sobrang tago ang naging pagbubuntis ni Elisse. Hindi rin nila ito ipinaalam sa publiko kaya walang ideya ang karamihan kung kailan ito nangyari at kailan isinilang si Baby Felize.

Pero paano nga ba nila naitago ang pagbubuntis na ito ni Elisse?


Matagal narin kasing pinag-uusapan ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Elisse. Marami ang naglabasang espikulasyon noong unang buwan ng taon na nagsabi na ang dahilan di umano ng kanyang naging bakasyon sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya ay para maitago sa publiko ang paglaki ng kanyang tiyan. 


Kapansin-pansin na din naman noon ang mga post ni Elisse habang nasa bakasyon ang pagkakaroon nito ng buntis glow at makalipas ang ilang buwan ay hindi nagkamali ang lumabas na balita dahil ipinakilala na nila sa publiko ang kanilang Baby girl.



Nilabas naman ni Elisse sa kanyang Vlog ang ginawang short film ni Mccoy para sa kanilang anak. Naglalaman ito ng naging journey ng aktres sa kanyang pagbubuntis, pati narin ang ilang videos na hindi nila ibinahagi noong una sa publiko. Kasama na dito ang ilang clips mula sa kanilang U.S vacation.



Dito na rin nagsabi si Elisse ng kanyang pangamba sa bagong experience na ito dahil hindi niya alam kung paano ang maging isang ina.



Literal na si Baby Felize ang sunshine ng Mclisse couple dahil sa saya na naibibigay nito sa kanilang maliit na pamilya sa araw-araw.   

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form