Elisse Joson at Mccoy de Leon, umaming may Baby Felize na! Ipinasilip sa publiko ang mga larawan nito


Ellise Josonn ipinasilip ang kanilang baby girl ni Mccoy de Leon.


Isang nakakagulat na rebelasyon ang minsang isiniwalat ng real-life couple na sina Elisse Josonn at Mccoy de Leon sa Pinoy Big Brother kamakailan lang.


Ibinahagi ng dalawa ang malaking blessing sa kanilang buhay, ang kanilang Baby girl. Sa social media ni Elisse ay ipinasilip nito ang ilang parte ng katawan ng kanilang Beautiful Angel. 


Pinangalan nila Felize McKenzie ang kanilang Baby girl na mula sa pangalan nilang dalawa.



Sabi pa sa Caption ni Elisse.

Our little angel. ready to say hello to the world.

Dearest Felize, 

Life was uncertain before you came. I didn't know which path to take, the choices to make. I didn't know what to be, what i want to be.. Now, nothing is clearer to me than to be the best me, to be the best mommy, for you.

I am lucky to have your daddy in my life and we are very lucky to have you, our greatest blessing, in our lives.




Marami ang kinilig at natuwa sa mga larawang ibinahagi ni Elisse sa kanyang social media account, ipinakita dito ni Elisse ang pamilyang binuo at pinahahalagahan nila ni Mccoy. 



Si Baby Felize ay napaka-cute at sobrang bibo na bata na combination ng ganda at poging mukha ng celebrity couple.


Nagbigay na ng official statement si Mccoy sa kanyang social media acoount at dito ay maraming netizens ang humanga sa kanya dahil pinatunayan ni Mccoy kung gaano niya kamahal ang kanyang mag-ina. Sa larawan na kanyang ibinahagi, makikita na isa silang masayang pamilya. 



Sa caption nito, sinabi niyang:

Binigay ka ng Diyos hindi lang isang regalo, binigay ka rin niya dahil binigyan mo kami ng pag-asa ng nanay mo. Nagtuloy tuloy ang pagsasamahan namin dahil sayo, kasi alam naming ikaw ang magiging dahilan kaya kami nabubuhay sa mundong ito. Walang hanggang kasiyahan ang binibigay mo sa amin. Simula nung nakita namin hanggang ngayon. Bawat ngiti mo nawawala ang lahat ng pangamba namin. Aaminin ko natatakot ako sa minsang magulong mundong ito, pero kahit anong mangyari poprotektahan kita hanggat buhay ako. Mamahalin kita nang higit pa sa sarili ko. At ngayon masayang masaya kami ng nanay mo na ipagmalaki ka sa buong mundo. 

Para naman sa ina ng anak ko, maaaring marami tayong pinagdaanan simula noon hanggang ngayon nandito parin tayo. Nagmamahalan ng lubos, sumusugal sa lahat ng maaaring mangyari at tinanggap ang bawat isa lalo na ako... kaya salamat Elisse ko.

At sa aking mag ina, Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo. Pinapangako ko sa Diyos at mangangako hanggang sa huli. Mahal na mahal na mahal ko kayo Elisse at Felize.



Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form