Sa loob ng tatlong linggo ng Celebrity Housemate sa loob ng bahay ni Kuya this Season 10, ngayon lamang namumuo ang tensyon sa loob ng bahay, ang dahilan ay ang pagkaka-clash madalas nina Alexa Ilacad at Albie Casino.
Parehong matagal na sa industriya sina Alexa at Albie. Magkapitbahay ang dalawa sa tunay na buhay, kaya naman bago pumasok si Albie sa bahay ni Kuya nabanggit nito na his really looking forward to see Alexa inside the house dahil siya ang pinakamatagal na kanyang kilala sa lahat ng mga housemates. Nangako rin daw noon si Alexa sa kanya na gagawa sila ng bond cast together.
Pero pagpasok ng bahay, ang tila strong thought of friendship na inaasahan ni Albie kay Alexa ay kabaliktaran ang nangyari. Dahil madalas si Alexa ang puno't dulong init ng ulo ni Albie, kung saan hindi nito mapigilan magreact ng hindi kaaya-aya para sa ibang mga kasama sa bahay.
Bago pa man pumasok si Albie sa bahay ni Kuya ay kontrobersyal na ang statement nito ng bweltahan niya ang kanyang Ex-girlfriend na si Andi. Finat-shame ni Albie ito at sinabing never itong nag-apologize sa kanya sa kanyang karanasan sa aktres ng siraan siya nito sa publiko at ipakalat ang balita na siya ang ama ng dinadala nito.
Ang pagiging matabil ni Albie ay napansin sa loob ng bahay ni Kuya, maging ang pagiging Hyperactive nito palagi. Sa first task pa lamang niya kung saan kasabwat nito ang Beauty Queen na si Samantha Bernardo. Mapapansin na kapag naiinip ito ay napagsasabihan at minamanduhan nito si Samantha.
Nabanggit din nito agad ng matapos ang kanyang task na nais na raw nitong magwork out para pagpawisan at halatang na naiistress na ito. Sa mga sumunod na araw, napuna ng mga housemate na matagal magwork-out si Albie. Kaya rin siguro hindi nakakapagtaka na Hunk na hunk ito.
Pero mayroon palang mas malalim na dahilan kung bakit ito nahilig sa pagwowork-out, nang ikwento nito ang dahilan sa isa sa mga housemates na si Shanaia Gomez. Ayon kay Albie, kapag hindi siya nagwowork-out maiistress umano siya at hindi siya makakausap ng deretso. Ika nga niya, "Exercising is more for his mental health than his physical health."
Sa loob ng confession room, tinanong ni kuya si Albie hinggil sa hilig nito sa pag-eehersisyo. Sagot ni Albie, "Matagal po akong magwork-out dahil ito po ang pamamaraan ko para macalm yung mind ko, wala akong ibang iniisip." Pagpapatuloy ni Albie nabanggit nito ang tunay na kanyang mental condition.
Nabanggit nito kay Kuya, "dahil po sa condition ko, meron po kasi akong ADHD (Attention Deficit Hyperactive Disorder) yung utak ko po ang dami niyang iniisip palagi at alam niyo po yung kapag nakapag-exercize ako I'm in the moment, na walang mahalaga ngayon kundi itong work-out na 'to. When I'm able to do things like this, it just reassures me how strong I am."
Hindi biro ang condition ng mga taong clinically diagnose ng mental condition na ADHD. Kadalasan ng meron nito ay nadidetect sa murang edad pa lamang. Kumpara sa iba, ang may ADHD gaya rin ng mga batang may Autism, ay kakaiba ang development ng utak.
Dahil rito ay naaapektohan ang kanilang pagbibigay -pansin sa isang bagay, scenario, o tao. Maging kanilang pagiging tutok sa gawain, pag-aaral, relasyon sa pamilya at kaibigan, at ang kanilang social skills ay apektado rin.
Tags
Health