THIRDPARTY? Hiwalayang Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich!

 Katotohanan sa hiwalayang Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich.


Isang malungkot na balita nga ang natanggap ng Wilodia Fans dahil dumating ang isang hindi inaasahang pangyayari sa buhay ng kanilang mga idolo. Sa Facebook post na ginawa ng sikat na gamer at kilalang costplayer na si Alodia, kinumpirma niya ang balitang dumurog sa puso ng kanilang mga fans. 




Natapos na nga ang mahigit apat-na-taong relasyon ng Wilodia couple, na kilala bilang isa sa pinakasikat na real-life couple sa online world.



Sa nasabing social media post, sinagot ni Alodia ang katanungan ng marami tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Wil. Ayun sa pahayag nito, "To those asking, wala na kami. It's been awhile. We tried to work things out many times but some things are meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives."




Ginawa at sinubukan nilang dalawa ang kanilang makakaya upang maisalba at maiayos ang kanilang relasyon, ngunit hindi sila naging matagumpay dito dahil humantong lang din ito sa hiwalayan. Hindi rin naman inilahad pa ni Alodia ang tunay na rason sa kanilang naging desisyon ni Wil. 


Ngayong naghiwalay na ang dalawa, marami ang nagtatanong kung paano na ang kanilang ipinatayong bahay. Ipinakita kasi nila ito sa kanilang Vlog at ang kilalang Architect na si Oliver Austria ang nagdesign nito. 




Sa pagbuo ng kanilang bahay, marami ang umasa na magiging seryoso na sina Wil at Alodia sa kanilang pagsasama at handa na rin silang lumagay sa tahimik. Subalit kabaliktaran ang nangyari dahil palaisipan ngayon kung ano ang kanilang gagawin sa kanilang dream house. 




Kung si Alodia ay kinumpirma na ang kanilang hiwalayan, hanggang ngayon ay tikom parin ang bibig nin Wil tungkol dito. Wala parin itong inilalabas na statement tungkol sa kanilang pagwawakas ng mahigit apat-na-taon nilang pagsasama ng dalaga.


Base naman sa kanyang social media, kasalukuyang nasa isang travel adventure si Wil sa bansang Nepal kasama ang iba pang Travel vloggers at sa kanilang expedition naakyat niya rin ang isa sa itinuturing na pinakamataas na bundok sa buong mundo, ang Mt. Everest. 




May mga problemang sila lamang ang nakakaalam at hindi na nila maibabahagi pa sa publiko.  Kahit pa sinilyuhan na ni Wil ang kanyang puso at sinabing si Alodia na ang tamang babae para sa kanya. 


Hindi parin maiiwasang mahahantong sa hiwalayan ang kanilang relasyon. Masakit at malungkot para sa kanilang mga tagahanga ang pagwawakas ng matagal nilang pagsasama, umaasa na lamang ang mga fans nila na malalagpasan ng Wilodia ang nangyari sa kanilang buhay at maayos din ang kanilang relasyon. Kung hindi man sa pagiging magkarelasyon ay sa isang pagkakaibigan. 

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form