Gerson Dave Gonzales yumakap at nagsorry kay Tatay Julian, matapos ang panghahampas nito ng Baseball Bat


Nitong Linggo lang Abril 24, 2022 nag-viral sa social media ang panghahampas ng 'baseball bat' ng kinikilalang si Gerson Dave Gonzales na may-ari ng sasakyan na may plakang NED 8642 sa isang matandang lalaki na si Tatay Julian dahil 'di umano sa away trapiko at humantong nga sa pagkakainitan.


Samantala, humingi ng paumanhin sa publiko si Gerson Dave Gonzales, na siyang naghampas ng baseball bat kay Tatay Julian. Inamin naman nito na nadala lang talaga siya ng init ng ulo sa pangyayaring iyon kaya naman dali dali siyang kumuha ng baseball bat sa loob ng sasakyan at aksidenting nahampas niya ito.


"IM SORRY TATAY JULIAN. PATAWARIN MO AKO. PASENSYA NA PO SA PANGYAYARI AT NADALA AKO NG EMOSYON KO," pahayag ni Gonzales


"LUBOS KONG PINAGSISIHAN ANG AKING NAGAWA, AKO NA PO ANG BAHALA SA LAHAT NG GASTUSIN NG PAGPAPAGAMOT MO." dagdag pa ni Gonzales



Sinabi rin ni Gonzales sa video sa kanyang mga bashers sa social media na sana huwag na itong palakihin pa bagkus nagka-usap naman daw sila ng maayos ni Tatay Julian.


Sa isa pang post ni Gerson Dave Gonzales sa kanyang Facebook account sinabi niya rito "MAHAL NA MAHAL KITA TATAY JULIAN. PINAGSISIHAN KO NA ANG NAGAWA KO SAYO. I'M SO SORRY. ALAMAT SA PAG YAKAP TATAY JULIAN."



Samantala, nakakuha naman si Tatay Julian ng pasa sa kaliwang tuhod dahil sa lakas ng paghampas nito natumba ang matanda sa kalsada.

Dito makikita ng viral video sa link na ito:


https://www.facebook.com/radyobanderailoilo/videos/995615511343973

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form