Aktwal video ng reaksyon ni Lovi Poe nang ipakita ni Coco Martin ang tarpaulin niya sa Batang Quiapo viral

Viral ngayon sa social media ang video nang naging reaksyon ni Lovi Poe sa tarpaulin niya sa "Batang Quiapo".

Aktwal video ng reaksyon ni Lovi Poe nang ipakita ni Coco Martin ang tarpaulin niya sa Batang Quiapo viral

Matatandaan kasi sa isang eksena sa teleseryeng "Batang Quiapo" ay pinagawan siya ng Birthday Tarpaulin ng kanyang kapatid. Request kasi ng kanyang ama na parang lumilipad raw si "Mokang" sa kanyang tarp. Ngunit nang lumbas na ang resulta ay parang hindi na naging pang-birthday ang tarp. Tila nanging pangburol na ito.

Si Lovi Poe ang gumanap na "Mokang" sa teleseryeng "Batang Quiapo" at si Coco Martin naman ang gumanap na Tanggol. Ang nasabing teleserye ay hango sa movie ni Fernapo Poe Jr at Maricel Soriano.

Sa kanyang post sa Instagram, ay ipinost ni Lovi ang aktwal niyang reaksyon nang ipinakita sa kanya ni Coco Martin ang tarpaulin para sa kanyang karakter.  Makikita na tawang-tawa si Lovi nang makita niya ito.

"Last na poe, promise Reaction video ni Mokang sa pa-tarpaulin. Pero seryoso guys, ito yung first time ko din talaga siya makita noong winalk through kami ni @cocomartin_ph. Di ako maka get over #FPJsBatangQuiapo." mababasa sa caption ng post ni Lovi 

Marami namang netizens ang kinaaliwan rin ang naturang video ni Lovi. Sabi ng ilang netizens na kuha sa comment section ng kanyang post: 

"Ay kuleet ng tarp ay naku bat kase ganyn whahaha" sabi ng isang netizen 

"Parang pang burol yung tarpaulin hahaha" hirit naman ng isa 

Narito ang video:


Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form