Cristy Fermin may prangkang reaksyon sa pag-alma ni Vice sa humila sa isang fan na hinila ang kanyang wig

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon si Cristy Fermin matapos almahan ni Vice Ganda ang paghila ng isang fan sa kanyang wig.

Cristy Fermin may prangkang reaksyon sa pag-alma ni Vice sa humila sa isang fan na hinila ang kanyang wig

Si Vice Ganda na may tunay na pangalan na Jose Marie Borja Viceral ay isang kilalang comedian, talk show host, television presenter, actor, entrepreneur at singer. Siya ay regular host ng noontime variety show ng ABSCBN na Its Showtime. 

Bumibida narin si Vice sa ilang pelikula at walo sa mga pelikulang niya ang considered to be the highest-grossing in Philippine cinema. 

Sa aming nakaraang artikulo, ay naiulat namin ang usap-usapan na paghila ng isang fan sa concert ni Vice sa Canda kamakailan lang. Pumalag si Vice sa naturang fan at aniya napaka-disrespectful raw ang ginawa nito kaya kailangan raw nitong magsorry sa kanya. 

“Don’t do that. Don’t do that. That’s very disrespectful. You don’t do that. You have to say sorry to me.” sabi ni Vice  

At ngayon sa online show ni Cristy Fermin ay nagbigay siya ng reaksyon sa pag-alma ni Vice sa naturang fan. Ayon kay Fermin, isa raw itong magandang leksyon para sa mga uma-attend ng shows.

“Ito po ay isang magandang leksyon sa mga kababayan natin na natutuwa sa mga performers. Igalang po natin sila. Irespeto po natin sila. Binibigyan po nila tayo ng magandang palabas, gantihan din po natin ng ganu'ng karespetong pagtanggap,” sabi ni Fermin 

Humanga rin si Fermin sa pagkasabi ni Vice sa naturang fan. 

"Ang swabe pa nga ng pagkasabi ni Vice e, diba? Swabe pa nga 'yun e.” sabi ni Fermin

Pwede mong panoorin ang video dito sa tatak na 11:05:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form