Cristy Fermin may ibinunyag tungkol sa body guard ni Vhong Navarro at kanyang pamilya: "Mahirap, magastos!"

Ibinunyag ni Cristy Fermin ang di umanoy pagkakaroon ng bodyguards ng Its Showtime host na si Vhong Navarro at kanyang pamilya.

Cristy Fermin nay ibinunyag tungkol sa body guard ni Vhong Navarro at kanyang pamilya: "Mahirap, magastos!" 

Si Vhong Navarro ay isang kilalang dancer, komedyante ag TV host dito sa Pilipinas. Si Vhong ay kilala bilang isa sa mga mahuhusay na miyembro ng Streetboys. Sa kasalukuyan ay isa si Vhong sa main host ng noontime show ng kapamilya network na Its Showtime.

Sa online show ni Fermin na "Showbiz Now Na" ay natalakay nila ang tungkol sa pagkakaroon ng bodyguards ni Vhong Navarro pati narin ang pamilya nito.

Ang pagkuha umano ng bodyguard ni Vhong ay para sa siguridad niya pati narin ang kanyang pamilya na may kaugnayan sa mga akusasyon laban sa actor. Kwento ni Fermin sa kanyang show, malaki na raw ang nagastos ni Vhong.

"Ang laki na ng nagagastos ni Vhong Navarro. Bukod sa kanyang mga personal bodyguards, ang kanyang pamilya ay meron din. Ang kanyang dalawang anak tapos siyempre ang wife niya at ang kanyang mga magulang meron ding bodyguard," sabi ni Fermin

"Kailangan e. kailangan niyang mag-ingat. 'Di ba may nanghula na maaring manalo siya legally pero maaring may mangyari sa kanya sa ibang paraan. Kasi alam mo naman 'pag mahigpitan ang laban, kung hindi mo makuha ang puno pwede kang pumunta sa sanga sa bulaklak, sa sanga, sa mga dahon," dagdag pa niya 

"Magkano ngayon ang isang personal bodyguard? Meron si Vhong na tatlo, 'yung mga anak niya may tig isa, 'yung kanyang wife. Ay, mahirap,magastos." sabi pa ni Fermin 

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form