Dance number nina Edward Barber at Seth Fedelin sa ASAP binatikos ng netizens

Binatikos ngayon ng ilang netizens ang Dance number nina Edward Barber at Seth Fedelin sa ASAP kamakailan lang.

Dance number nina Edward Barber at Seth Fedelin sa ASAP binatikos ng netizens

Ang naturang Dance Number nina Seth at Edward ay naganap nito lamang linggo April 2 na kung saan marami ang nakapansin na kulang raw sa practice ang dalawa.

Kalat na kalat kasi ngayon sa twitter ang splice video o putol na video ng kanilang performance ASAP na kung saan hindi sabay ang dalawa sa kanilang sayaw. Kapansin-pansin na natatawa na lamang ang dalawa habang sumasayaw.

May mga netizens rin ang nagsasabi na mas maganda pa raw ang production ng noon time show ng kapamilya network na "Its Showtime" kaysa production ng "ASAP".

Isa sa mga pumupuna sa naturang perfomance ng dalawang kapamilya actor ay ang sikat na "alt account" ng GMA sa Twitter na may username na @AltGMA. Aniya papunta na raw ang ASAP sa pagiging "Party Pilipinas". 

"Papunta na sa Party Pilipinas ‘tong ASAP. Pito pitong prods na mukhang walang rehearsals,”sabi ng @AltGMA

Ang "Party Pilipinas” ay isang show ng GMA network na umeere mula 2010 hanggang 2013. Ito ang katapat na programa ng ASAP.

Sa ngayon ay walang pang pahayag ang ASAP kaugnay sa isyu at hindi pa malinaw kung paano nila i-address ang ganitong pangyayari.

Pwede mong panoorin ang video dito:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form