Dumbo di mapigilang maging emosyonal nang muling mahawakan ang anak

Di mapigilang maging emosyonal ni Dumbo nang muling mahawakan ang kanyang anak matapos siyang maaksidente.

Dumbo di mapigilang maging emosyonal nang muling mahawakan ang anak

Si Dumbo na may tunay na pangalan na Ervin Plaza ay isang audience coordinator at production staff member sa noontime show ng kapamilya network na Its Showtime. Kilala si Dumbo dahil game na game ito sa pakikipagbiruan sa mga hosts ng noontime show at kadalasang nakakabiruan niya sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, at Vice Ganda

Nitong mga nakaraan ay nagpost ang asawa ni Dumbo tungkol sa pagka-aksidente nito sa motor. Humiling din sila ng tulong pinansyal para sa operasyon ni Dumbo at panalangin sa agarang paggaling nito.

Sa latest post ni Dumbo sa kanyang social media account ay nagbahagi siya ng video kung saan kasama niya ang kanyang anak. Sa naturang video ay di mapigilang maging emosyonal ni Dumbo nang muling mahawakan niya sa unang pagkakataon ang anak matapos siyang maaksidente.

"Yung sobra mong miss yong anak mo at nahawakan mo cya sa unang pagkakataon , Kahit gaano ka sakit at kirot ang nararamdaman mo, nawala lahat yun nong naka dapa siya sa dibdib ko. "sabi ni Dumbo

Humingi din siya ng sorry sa kanyang anak dahil matagal-tagal din silang hindi nagkita. Pakiramdam daw niya ag matagal na panahon na silang hindi nagkita ng anak.

"I'm sorry anak matagal tayo hindi nagkita. Nagpapagaling lang si daddy sa hospital. Feeling ko napakatagal na panahon na hindi kita nakita anak. Sobrang miss na miss kita anak ko." sabi ni Dumbo 

 Narito ang video na ipinost ni Dumbo sa kanyang instagram account.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form