Jennica Garcia emosyonal dahil nakabili narin sila sa wakas ng aircon: "Pagpahingain na natin yung electric fan"


Di mapigilang maging emosyonal ng actress na si Jennica Garcia matapos sabihing nakabili narin siya sa wakas ng aircon at water heater para sa kanila ng kanyang mga anak na sina Mori at Alessi.


Jennica Garcia emosyonal dahil makakabili narin sila sa wakas ng aircon: "Pagpahingain na natin yung electric fan"


Si Jennica Garcia na may tunay na pangalan na Jennica Alexis Maitim Garcia-Uytingco ay isang Filipina actress, host at director. Siya ay anak ng beteranang actress na si Jean Garcia.  


Sa kanyang post sa instagram, ibinahagi ni Jennica ang kanyang pagka-emosyonal matapos niyang sabihin na nakabili narin siya aircon para sa kanila ng kanyang dalawang anak. Aniya sampung buwan na umano silang gumising ng lapot. 


"Nanay is getting emotional because I'm heading to the mall tonight to buy aircon and a water heater for our bathroom. Pagpahingain na natin yung electric fan, 10 months na tayong lapot gumigising. Wag na natin paubitin ng isang taon." sabi ni Jennica 


Hindi narin umano niya kailangan na mag-init ng tubig para pangligo sa kanyang anak dahil nakabili narin sila ng water heater.


"Hindi na rin ako ulit mag iinit ng tubig para isalin sa balde panligo niyo pag malamig ang panahon.Anytime gusto niyo maligo, GO! Wala ng antayan. Nanay got this kids! Buhat ko kayo lagi." sabi ni Jennica 




Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form