John Estrada nagpost ng sweet photos nila ng kanyang asawa sa gitna ng mga patama post nito sa social media

Nagpost si John Estrada ng mga sweet na larawan nila ng kanyang asawang si Priscilla Meirelles sa gitna ng mga patama post nito sa social media.

John Estrada nagpost ng sweet photos nila ng kanyang asawa sa gitna ng mga patama post nito sa social media

Sina John Estrada at Priscilla Meirelles ay ikinasal noong February 26, 2011 sa isang beach wedding ceremony sa La Union. Nito lamang February 26, 2023 ay nagcelebrate ang dalawa ng kanilang ika-12th year anniversary bilang mag-asawa.

Ngunit nito lamang nakaraan ay binulabog ni Priscilla ang online community dahil sa mga sunod-sunod niyang post sa social media. Isa na rito ang tungkol sa tanong niya na ano raw tawag sa babaeng in-entertain parin ang lalaking meron ng asawa.

At nito lamang nakaraan ay nagpost ulit si Priscilla sa kanyang instagram na may kalakip na matapang na hashtag. Ang hashtag na ito ay "#readyforwar".

"Not fragile like a Flower, fragile like a Bomb.#bang #readyforwar #idontshare" sey niya sa kanyang post 

Ngunit sa kanyang post ngayong araw, April 7 2023 sa kanyang instagram , ay ibinahagi ni John Estrada ang sweet photos nila kasama si Priscilla. Tila tinapos na ni John ang kanila ngayong isyu sa pamamagitan ng kanyang post.

"The love of my life, my wife, my one and only Queen.... " sey ni John sa kanyang post kalakip nito ang sweet nilang larawan.

Kaya naman maraming netizens ang masaya dahil tila maayos na ang relasyon ng dalawa.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form