Cristy Fermin nagreact sa akusasyong nang-iiwan umano sa ere si Maja Salvador

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon si Cristy Fermin kaugnay sa mga akusasyon laban kay Maja Salvador na umanoy nang-iiwan sa ere si Maja Salvador.

Maja Salvador nagreact sa akusasyong nang-iiwan umano sa ere si Maja Salvador

Si Maja Salvador na may tunay na pangalan na Maja Ross Andres Salvador ay isang kilalang aktres, dancer, television host, producer at talent manager dito sa Pilipinas. Bukod sa mga pelikula at kabi-kabilang teleserye na napapanood noon sa ABS-CBN, naging bahagi rin si Maja ng Eat Bulaga. Subalit, kamakailan lang, kinailangan niyang mamaalam sa programa pansamantala at isa umano sa sinasabing dahilan ay ang preparasyon niya sa kanyang kasal. 

Sa show ng beteranang columnist na si Cristy Fermin ay nagbigay siya ng reaksyon laban sa mga akusasyon kay Maja Salvador. Ayon kasi ng ilang netizens nang-iiwan umano sa ere ang actress dahil tumatalon raw agad ito kapag lumulubog ang bangka.

"Lumalabas na kapag lumulubog ang bangka, unang tumatalon si Maja. Hindi kasi magandang pakinggan na kung kailang palubog ang bangka, saka ka tatalon. Dapat kasi lahat kayo ay magkakasama," sabi ni Fermin 

Matatandaan na pansamantala munang nagpaalam sa Eat Bulaga si Maja para sa preperasyon sa kanyang kasal. Ngunit hindi lang daw umano ito ang unang pagkakataong nagawa ito ni Maja dahil noong nawalan ng prangkisa ang ABSCBN ay agad raw na napanood ang actress sa Eat Bulaga.

"Pero, unawain po natin ang kanyang dahilan. meron po sigurong mas mabigat pang dahilan kung bakit pansamantala siyang namaalam," sabi ni Fermin 

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form