Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng singer na si Moira dela Torre na kung saan may kasama siyang lalaki na kanyang kayakap.
May bagong pag-ibig? Post ni Moira dela Torre na may kayakap usap-usapan |
Si Moira dela Torre na may tunay na pangalan na Moira Rachelle Bustamante Dela Torre ay ipinanganak noong November 4, 1993. Siya ay kilalang Filipino singer-songwriter.
Kilala si Moira dahil sa mga hugot niyang kanta. Unang nakilala si Moira sa cover niya ng kanta ng Imago na "Sundo", Moonstar88 na "Torete", at ang Himig Handog-winning single "Titibo-Tibo".
Viral din si Moira kamakailan lang matapos silang maghiwalay ng asawa niyang si Jason Hernandez. Ang kanilang relasyon ay nag-last lang ng tatlong taon.
Samantala sa kanyang bagong social media post, ay ibinahagi ni Moira ang ilang larawam sa kanyang bakasyon sa Canada. Kapansin-pansin na may kasama si Moira na isang lalaki na kanyang kayakap sa naturang larawan.
Photo from: Moira dela Torre Facebook |
Kaya naman ilan sa kanyang fans ay tila na-excite at gustong malaman kung bagong boyfriend ba ito ni Moira o kanyang kaibigan.
"Deserve, Sana All, and Ayiiee". sey ng isang netizen agad naman niya itong sinagot at simabihan niya itong kumalma dahil manager raw niya ang kasama sa naturang picture
"kumalma po kayo. manager ko po yan. pareho po kami ng type.",sabi ni Moira
Photo from: Moira dela Torre Facebook |
so far my favorite snow day
Posted by Moira Dela Torre on Tuesday, 11 April 2023