Nagsalita narin sa wakas ang singer na si Morisette Amon matapos itong ikumpara kay Charice Pempengco.
Morisette nagsalita na matapos siyang ikumpara kay Charice Pempengco |
Matatandaan na naging bahagi si Morisette sa concert ng American songwriter na si David Foster na ginanap sa Pilipinas.
Nagreact ang ina ni Charice na si Raquel Pempengco sa naging performance ni Morisette sa nasabing concert. Aniya wala raw makakatalo sa kanyang anak sa pagkanta ng mga kanta ni David Foster.
Ilang beses narin kasi na naging bahagi noon si Charice sa mga concert ni David Foster. Ngunit nanatiling tahimik si Morisette sa pagkukumpara sa kanya kay Charice.
Sa artikulo ni Pep.ph ay sinagot narin sa wakas ni Morisette ang tungkol sa isyu. Ayon kay Morissette, isang biyaya na nakasama siya sa Manila concert ni David Foster na para sa kanya ay tagumpay rin ng lahat ng mga Pilipino.
“For me, every opportunity that us, artists, get to be able to share the stage with international acts is a win not only for the artist but a win for OPM. So, I take it as me given the opportunity to do that naman—after Charice or Jake Zyrus did it before—is a blessing for me and OPM still." sabi ni Morisette
"With the many countries and the many places that David Foster could be having his shows, he still chooses to come back to the Philippines. And to be able to choose artists, such as me and Tito Martin, and be a part of the show, ang galing talaga ng Pinoy. So it’s really a win for everyone and not just for the artists." dagdag pa niya