Ogie Diaz nagreact na sa tsismis na umanoy mahirap katrabaho at may kaartehan si Jane de Leon

Nagbigay na ng kanyang prangkang reaksyon si Ogie Diaz kaugnay sa kumakalat ngayon na tsismis na umanoy mahirap katrabaho at may kaartehan umano ito si Jane de Leon.

Ogie Diaz nagreact na sa tsismis na umanoy mahirap katrabaho at may kaartehan si Jane de Leon

Si Jane de Leon ay gumanap bilang "Darna" at "Narda" sa TV series ng kapamilya network na "Darna The TV: Series". Nagsimula itong umere noong August 15, 2022 at natapos nang February 10, 2023. 

Ang nasabing serye ay pinalitan ng "Fpj's Batang Quiapo" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa isang episode show ni Ogie Diaz na "Showbiz Update" sa youtube ay nagbigay ng kanyang reaksyon ang komedyante kaugnay sa kumakalat na tsismis na umanoy matatagalan pa umanong magkaroon ng proyekto si Jane dahil may kaartehan raw umano ito at mahirap katrabaho.

“'Yun nga, ang daming nagtatanong sa akin, ano na raw ang next project ni Jane De Leon? Tapos may nag-chika sa akin na mukhang matatagalan pa.”sabi ni Ogie nang tanuning siya ni Mama Loi lung ano raw ang next project ni Jane

“Parang during the 'Darna' shoot daw, ewan ko kung totoo ah, parang hindi naman yata... ang sabi e parang medyo mahirap daw katrabaho si Jane. Ang sabi pa ay medyo may kaartehan daw si Jane sa set,” sabi pa ni Ogie 

Dahil dito ay tinanong ni Ogie ang kanyang mapagkakatiwalaang source kung totoo ba ang napabalitang tsismis tungkol kay Jane. Ayon sa source ni Ogie, wala raw katotohanan ang tsismis dahil masunurin daw sa set ang actress 

"Kaya tinanong ko 'yung isang friend ko. Sabi ng friend ko na kilala si Jane, 'No, Mama Ogs. Si Jane ay masunurin sa set. Lahat ng eksena, ginagawa niya.' Hindi lang daw maintindihan ng taga-ibang production na si Jane minsan ay may dinaramdam, masakit ang ulo, pero nagtatrabaho pa rin daw si Jane,” pagbubunyag ni Ogie 

Pwede mong panoorin ang pagtalakay ni Ogie tungkol kay Jane sa tatak na 3:38:

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form