Naglabas ng saloobin si Senator Raffy Tulfo sa mataas na halaga ng pera na kakailanganin para makakuha ng lisensya sa pagmamaneho.
Sen. Tulfo naglabas ng saloobin sa mataas na halagang kakailanganin para makakuha ng lisensya |
Sa kanyang post facebook post ngayong araw ay ibinahagi ni Tulfo ang kanyang saloobin kaugnay sa mataas na perang kakailanganin para makakuha ng lisensya.
Ayon kay Tulfo, kung ikaw raw ay isang mahirap at gustong kumuha ng lisensya para sa pangkabuhayan, hindi ka pa raw kumita ay lubog kana sa utang.
Narito ang buong post ni Tulfo mula sa kanyang Facebook page:
"Kung ikaw ay isang mahirap na mamamayan at nais mong matutong magmaneho para gawin mong hanapbuhay ito, kinakailangan mo munang mag enroll sa isang accredited driving school ng LTO. Ang singilan dito ay aabot sa ₱5,000.00 pataas.
"Dagdag pa rito ang ₱500.00 para sa eye exam na babayaran mo sa isang outsourced eye exam center.
"Hindi ka pa nga kumikita, lubog ka na agad sa utang."
"Bakit hindi na lang ipaubaya ang practical driving sa mga kakilala para maka menos gaya ng common practice sa ibang bansa.
"At pagdating naman sa theoretical driving pwedeng maglagay ang LTO sa online ng manual hinggil sa safety driving, traffic rules and regulations, road signs and etc., na pagaaralan ng mga aplikante bago sa kanilang actual written exam sa LTO.
"Ang serbisyong ito ay dapat libre. At pagdating naman sa cardboard eye exam, pwede na itong gawin sa loob mismo ng tanggapan ng LTO na kasama na sa bayad ng pagkuha ng driver's license.
"Pero sa mga taong may kakayahang magbayad ng mataas na singil sa driving school ay karapatan pa rin nila ito.
"Ang pagmamaneho ay isang basic life skill kaya dapat ilagay sa curriculum ng senior high school ang theoretical driving na balang araw ay magagamit nila.
"Magpapasa ng resolution in aid of legislation si Senator Idol Raffy Tulfo para maimbestigahan at hindi na maging pahirap para sa mga pobre nating kababayan na makakuha ng driver's license. "
Kung ikaw ay isang mahirap na mamamayan at nais mong matutong magmaneho para gawin mong hanapbuhay ito, kinakailangan mo...
Posted by Raffy Tulfo in Action on Monday, 17 April 2023