Vhong Navarro hinangaan dahil sa panata niya para sa kanyang asawa

Hinangaan ng maraming netizens ang actor, at Its Showtime Host na si Vhong Navarro dahil sa panata niya para sa kanyang asawang si Tanya Bautista.

Vhong Navarro hinangaan dahil sa panaya niya para sa kanyang asawa

Sina Vhong Navarro at Tanya ay ikinasal sa Japan noong 2019 na matatandaang dinaluhan ng mga co-host niya sa Its Showtime na sina Karylle, Vice Ganda at Anne Curtis. Nandun din ang kanyang kaibigan gaya nina Billy Crawford at John Lloyd Cruz.

Labin isang taon din na magkarelasyon sina Vhong at Tanya bago ito ikinasal. At kamakailan lang ay nagcelebrate ang mag-asawa ng kanilang fourth anniversary bilang mag-asawa.

At nitong Monday episode ng Its Showtime ay ibinahagi niya ang kanyang araw-araw na panata niya para sa kanyang asawa. Ayon kay Vhong ang panata raw niya ay ang mahalin ang kanyang asawa araw-araw.

“Ang panata ko hindi lang ngayong Holy Week. Gusto ko ito araw-araw. Iyong mahalin ko ‘yung asawa ko araw-araw,”sabi ni Vhong

"Malaki ang pagkukulang ko [sa kaniya]. Sabi ko nga, ‘pag labas ko ng kulungan, gusto ko ‘yung time ko — dati kasi inuuna ko ang trabaho, e — pero ngayon mas gusto ko siya na unahin nang unahin nang unahin, kasama ang mga anak ko.”dagdag pa ni Vhong base sa report ng ABSCBN 

Matatandaan kasi na nakulong ang actor dahil sa kaso na isinampa ni Deniece Cornejo laban sa kanya. Nadetain ang actor sa NBI ng dalawang dalawan at sa Taguig City Jail ng dalawang linggo.

Noong December 2022 ay pansamantalang nakalaya si Vhong at nito lamang March 2023 ay binasura na ng korte ang mga kasong isinampa ni Cornejo.

Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Pilipiknows at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form