Vice Ganda at Vhong Navarro nireveal ang pag-unfollow ng kanilang bestfriend sa kanila matapos ang eleksyon

Usap-usapan ngayon ang naging rebelasyon nina Vice Ganda at Vhong Navarro sa isang episode sa Its Showtime.

Vice Ganda at Vhong Navarro nireveal ang pag-unfollow ng kanilang bestfriend sa kanila matapos ang eleksyon 

Sina Vice Ganda at Vhong Navarro ay ang dalawa sa mga main host ng noontime show ng Kapamilya Network na Its Showtime. Sa isang episode ng nasabing show, ibinunyag ng dalawa ang umanoy pag-unfollow ng kinilala nilang "bestfriend".

Natanong kasi ni Jhong Hilario kay Vice kung sino raw ang itinuring niyang bestfriend.

Medyo palaisipan ang sagot ni Vice dahil sabi niya, may itinuturing daw siyang bestfriend pero hindi raw niya alam kung ganoon pa rin ang turing sa kaniya. Hindi na raw kasi ito naka-follow sa kanya matapos ang eleksyon.

Hindi na pinangalanan ni Vice ang pagkakilalan ng sinasabi niyang bestfriend na nag-unfollow sa kanya. Nang tanungin niya si Vhong nang "Ikaw rin ‘di ba inunfollow niya?" 

Diretsahang sumagot si Vhong na parehas raw sila ng experience ni Vice: "Oo, parehas tayo.”

Kaya naman ay palaisipan ngayon sa maraming netizens kung sino itong taong tinutukoy nina Vhong at Vice na itinuturing nilang "bestfriend" na nag-unfollow sa kanila.

Posible nga bang dati nilang kasamahan sa noontime show, o kaya naman, dating taga-ABS-CBN

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form