Vice Ganda may maanghang na banat sa nakikisakay sa isyu nila ni Karylle: "Hoy, wag nga tayong magplastikan"

Usap-usapan ngayon sa social media ang maanghang na banat ni Vice Ganda sa nakikisakay sa isyu nila ni Karylle.

Vice Ganda may maanghang na banat sa nakikisakay sa isyu nila ni Karylle: "Hoy, wag nga tayong magplastikan"

Matatandaan kasi na pinuna ng ilang netizens si Vice dahil sa mga sagot nito kay Karylle na hirap daw makasabay sa jokes ni Vice at ng iba pang co-hosts.

Ayon kasi sa ilang netizens hindi raw deserve ni Karylle kung paano siya sagutin ni Vice. Sabi pa ng ilang netizens “disrespected” at “unfair treatment” ang natatanggap ni Karylle mula kay Vice. 

Ngunit sa isang episode ng Its Showtime ay sinabi ni Vice na okay sila ni Karylle at walang anumang isyu tungkol sa kanila. Kinumpirma rin ito mismo ni Karylle at natawa lang sila sa isyu.

Samantala sa latest episode ng It's Showtime, ay naglabas ng kanyang saloobin si Vice sa mga nakikisakay sa kanilang isyu. Prangkang sinabihan ito ni Vice na wag raw makipagplastikan.

"Kasi nga nakakaloka dito sa mga nakisakay, biglang magte-text pa, tapos magti-text ng, ‘I didn’t mean to hurt you.’ Sagutin ko nga, 'Hoy, wag nga tayong magplastikan. You meant to hurt me,’ di ba?" sabi ni Vice

Ayon pa kay Vice, putulin na raw ang plastikan at bait-baitan.

“Let’s cut the cycle of plastikan, of bait-baitan. Kung mabait, mabait. Pero hindi maganda yung bait-[baitan]. Let’s cut the cycle of plastikan and bait-baitan. Let’s be real, di ba?” sabi niya

 
 Anong masasabi mo sa balitang ito. Wag mag-atubiling mag-iwan ng iyong komento sa comment section. Maraming salamat sa iyong pagbisita mga ka-Philtabloid at huwag kalimutang i-follow ang aming Facebook Page na KAPAMILYA UPDATES.

Post a Comment

Dont Forget to Leave a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form